MODULE 1 PART 2: Mahahalagang Konsepto sa Pagbasa Flashcards
Apat (4) na mga TEORYA ng Pagbasa
- Teoryang Bottom-Up
- Teoryang Top-Down
- Teoryang Interaktib
- Teoryang Iskima
Isang tradisyunal na pagbasa at bunga ng teoryang BEHAVIORIST, ito ay ang pagbasa mula sa teksto patungo sa iyong kaisipan o outside-in. Sinasabi nitong ang pagbasa ay pagkilala ng mga salita at ang teksto ang pinakamahalaga sa pagbasa. Ang teoryang ito ay DATA-DRIVEN.
- Teoryang Bottom-Up
Nabuo bilang reaksyon sa naunang teorya (BOTTOM-UP). Ito ay napatunayan ng maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa tungo sa teksto. Ito ay dahil ang impormasyon o kahulugan ay nanggagaling mula sa mambabasa patungo sa teksto o inside-out. Ang teoryang ito ay CONCEPTUALLY-DRIVEN.
- Teoryang Top-Down
bunga ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa ikalawang teorya (TOP-DOWN). Higit na angkop daw ang kombinasyong TOP-DOWN at BOTTOM-UP na nagpapahiwatig ng dalawang direksyon ng komprehensyon, itaas-pababa o ibaba-pataas. Ang teksto raw dito ay kumakatawan sa wika at kaisipan. Dito rin nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor. Ang interaksyon ay dalawa o bi-directional.
- Teoryang INTERAKTIB
mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa. Ito ang batayang paniniwala ng teoryang iskima. Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay nadadagdag sa dati ng iskima. Kaya’t bago pa man basahin ng mambabasa ang isang teksto, siya ay may ideya na sa nilalaman mula sa kanyang iskima ng paksa.
- Teoryang ISKIMA
Dalawang (2) URI ng Pagbabasa
- Malakas na Pagbasa
- Pagbasa ng Tahimik
ito ay ginagamit sa mga pag-uulat sa seminar, symposium, konbukasyon at iba pa. Ito ay ginagawa sa harap ng mga tagapakinig kung kaya’t nagkakaroon ng interaksyon o pakikipagugnayan ng mambabasa at tagapakinig. Ginagawa ito upang magbigay aliw, magbigay aral o magturo ng kaalaman.
- Malakas na Pagbasa
Ginagamit naman ito ng taong balak magkamit ng lubos na kabatiran o pag-unawa sa isang paksa. Sa gantong gawain, ang mambabasa ay gumaganap bilang tagabasa/reader at taga-unawa/interpreter. Mahalaga sa gawaing ito ang pagkakaroon ng tamang lugar upang magkaroon ng tamang antas ng konsentrasyon.
- Pagbasa ng Tahimik
Apat (4) na ANTAS ng Pag-iisip
- Antas Faktwal
- Antas Interpretatib
- Antas Aplikatib
- Antas Transaktib
Ito ay payak na paggunita sa mga nakalahad na impormasyon. Natutukoy ang mga detalye batay sa mga naalala (recall). Literal na tanong na mayroong literal na sagot at sumasagot lamang sa mga tanong ano, kailan at saan.
- Antas Faktwal
Isa pang katawagan dito ay pagpapakahulugan; hindi katuturan ang layunin nito kundi ang nagkukubling kaalaman o kaisipan. Sa Ingles ito ay “reading between the lines”.
- Antas Interpretatib
Paglalapat ng mga taglay na iskemata ng mambabasa sa tekstong binabasa. Ito ay tinatawag na “reading beyond the lines”.
- Antas Aplikatib
Maliban sa iskemata at paglalapat nito sa kaugnay na konsepto, mahalaga ring salik ang pansariling pagpapahalaga o value system ng mambabasa. Ang “reading with character” ang kumpletong ebolusyon o kaganapang prosesong pangkaisipan.
- Antas Transaktib
Tanda ng epektibong pagbasa ang ______
- komprehensyon
Ang wastong komprehensyon ay bunga ng ____ pagpapakahulugan sa mga kaisipan at ____ nabasa o binabasa.
- intensibong, konseptong