MODULE 4: Ang Kasaysayan ng Wikang Pambansa (Panahon ng mga Hapones) Flashcards
anong nangyari sa wikang pambansa noong panahon ng mga Hapones?
- nagkaroon ng paglusong ang wikang pambansa
Sa pagnanais burahin ang impluwensya ng mga Amerikano, ano ang ginawa ng mga Hapones? (2)
- pinagbawal ang paggamit ng Ingles sa ano mang aspeto ng pamumuhay ng mga Pilipino
- pinagbawal din ang paggamit ng lahat ng aklat at peryodikal tungkol sa Amerika
Ano ang ipinagamit na wika ng mga Hapones sa mga Pilipino?
- pinagamit ang katutubong wika, partikular ang wikang tagalog
Sa panahong ito, anong ordinansa ang ipinatupad?
- Ordinansa Militar Blg. 13
Ano ang inuutos ng Ordinansa Militar Blg. 13?
- na gawing opisyal ang wikang Tagalog at wikang Hapones (Niponggo).
Upang maitaguyod ang patakarang military ng mga Hapon pati na ang propagandang pangkultura, ano ang itinatag nila?
- Ang Philippine Executive Commission
Sino ang namuno sa Philippine Executive Commission?
- si Jorge Vargas
Pagkaraan ng ilang buwang pananakop ng mga Hapones ay binuksang muli ang mga paaralan sa lahat ng antas. Itinuro ang wikang ____ sa lahat ngunit binigyang diin ang paggamit ng ____ upang maalis ang paggamit ng wikang ____.
- Nihonggo, Tagalog, Ingles
Sino ang nagturo sa mga guro ng pambanyagang paaralan ng Nihonggo?
- Ang gobernador-militar
Bakit ineeksamin ang kakayahan ng mga guro sa wikang Niponggo?
- para kapag sila ay bihasa na, sila naman ang magtuturo nito.
Ano ang binibigay sa mga nagsipagtapos?
- katibayan upang maipakita ang kanilang kakayahan sa wikang Niponggo
Ano ang tatlong (3) uri na mayroon ang katibayan?
- Junior
- Intermediate
- Senior
Sa panahong ito, ano ang isinilang?
- Ang KALIBAPI
ano ang ibig sabihin ng KALIBAPI?
- Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas.
Ano ang layunin ng kapisanang KALIBAPI?
- Pagpapabuti ng edukasyon at moral na rehenerasyon
- Pagpapalakas at pagpapaunlad ng kabuhayan sa pamamatnubay ng Imperyong Hapones