MODULE 1: Wika (Konseptong Pangwika) Flashcards
WIKA
isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon
pinagsama-samang makabuluhang tunog, simbolo at tuntunin
WIKA
ginagamit na behikulo ang _____ sa pakikipagusap at pagpaparating ng mensahe
WIKA
LINGUA
salitang Latin na may kahulugang “dila” at “wika”
LANGUE
salitang Pranses na may kahulugang “dila” at “wika” at pinagmulan ang salitang latin na LINGUA
LANGUAGE
salitang Ingles
Ang mga salitang wika at dila ay may halos magkaparehong kahulugan dahil?
ang DILA ay konektado sa pasalitang pabigkas dahil nalilikha ang mga tunog sa iba’t ibang posisyon ng dila.
Ang wika ay may tradisyonal at popular na pagpapakahulugang sistema ng _______ __________ na ginagamit ng mga miyembro ng pamayanan sa pakikipagtalastasan.
arbitraryong vokal-simbol
Paz, Hernandez, Peneyra (2003)
- wika ay tulay na ginagamit para maipahayag ang anumang pangangailangan o mithiin natin
- behikulo ng ating ekspresyon at komunikasyon
- ginagamit ng tao ang wika sa pag-iisip, pakikipag-ugnayan at pakikipagusap sa ibang tao at sa sarili
Henry Allan Gleason Jr.
linggwista at propesor emeritus sa University of Toronto
SINO ang nagsabi na ang wika ay MASISTEMANG BALANGKAS ng mga tunog na pinili at isinaayos sa pamamaraang arbitraryo upang magamit ng mga tao na nabibilang sa isang kultura.
Henry Allan Geason Jr.
Diksiyonaryong Cambridge
sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga tunog, salita at gramatika na ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga mamamayan sa isang bayan
Charles Darwin
pinaniniwalaang ang wika ay isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagba-bake ng cake, o ng pagsusulat.
Pinaniniwalaan din ni Charles Darwin na?
hindi tunay na likas ang wika sapagka’t ang bawat wika ay kailangan munang pag-aralan bago matutuhan.