MODULE 1: Wika (Monolinggualismo, Bilinggualismo, Multilinggualismo) Flashcards
MONOLINGGUWALISMO
tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa
- kung saan IISANG WIKA ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura.
wika ng komersiyo, wika ng negosyo, at wikang pakikipagtalastasan at ng pang-araw-araw na buhay ay umiiral rin sa sistemang?
MONOLINGGUWALISMO
dahil sa maraming umiiral na mga wika at wikain sa ating bansa, ang Pilipinas ay maituturing na?
Multilingguwal
BILINGGUWALISMO: Bloomfield (1935)
paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang (2) wika na parang ang mga ito ay kanyang katutubong wika.
BILINGGUWALISMO: Macnamara (1967)
ang bilingguwal ay isang taong may sapat na kakayahan sa isa (1) sa apat (4) na makrong kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat sa isa pang wia maliban sa kanyang unang wika.
BILINGGUWALISMO: Weinreich (1953)
ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitan ay matatawag na bilinggualismo at matatawag na bilingguwal ang mga taong gagamit ng wikang ito.
BILINGGUWALISMO: Cook at Singleton (2014)
- maituturing na bilingguwal ang isang tao kung magagamit nya ang ikalawang wika nang matatas (fluent) sa lahat ng pagkakataon.
- dapat magamit ng mga bilingguwal ang dalawang wika nang halos hindi na matukoy kung alin sa dalawa ang kanyang una at pangalawang wika.
Ano ang tawag sa taong marunong gumamit ng dalawang wika na halos hindi na matukoy ng iba kung alin ang una at pangalawang wika nito?
“Balanced Bilingual” na nabanggit sa pahayag ni Cook at Singleton (2014)
MULTILINGGUWALISMO
Mayroon tayong (Pilipinas) mahigit 180 wika at wikain (Lewis, et. al., 2013, p. 25)
Bibihirang Pilipino ang ___________
monolingguwal
Department Order No. 16, section 2012
ang mga pamantayan sa pagpapatupad ng MTB-MLE ay nakapaloob rito.
Kilala rin ang Department Order No. 16, section 2012 bilang?
Guidelines on the Implementation of the Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE)
Simula ng aralang 2012-2013 ay?
ipatutupad ang MTB-MLE sa mga paaralan
Ducher at Tucker (1977)
napatunayan nila ang bisa ng unang wika bilang wikang panturo sa mga unang taon ng pag-aaral. Ito’y para maging handa sila sa pangalawang wika.
Sa unang taon ng pagpapatupad ng MTB-MLE, nagtalaga muna ang DepEd ng _____ () pangunahing wika o LINGUA FRANCA at _____ () na iba pang wikain upang gamiting wikang panturo.
walo/walong (8), apat (4)