MODULE 1: Wika (Ang Wikang Pambansa) Flashcards
isang kapuluang binubuo ng iba’t ibang pangkat ng mga Pilipinong gumagamit ng iba’t ibang wika at dayalekto.
PILIPINAS
Mainitang tinalakay at pinagtalunan sa kumbensyong konstitusyonal ang wika ng anong taon?
1934
Sino ang sumalungat sa panukalang ang umiiral dapat na wika ang maging wikang pambansa?
mga Maka-Ingles
Bakit sumalungat ang mga Ingles sa panukalang ang umiiral dapat na wika sa bansa ang maging wikang Pambansa?
Higit raw na makakabuti sa mga Pilipino ang maging mahusay sa wikang Ingles.
Kaninong grupo ang naging matatag na may malasakit sa sariling wika?
grupo ni Lope K. Santos
Ano ang iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos?
na dapat ibatay ang wikang pambansa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas
Saan unang nabanggit ang salitang “Filipino”?
Sa Batasang Pambansa
Saligang Batas 1987
pinagtibay ng Komisyong Konstitusyonal ang implementasyon sa paggamit ng wikang Filipino.
Sino ang bumuo ng Komisyong Konstitusyonal
dating pangulong Cory Aquino
Artikulo XIV (14), Section 6
“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.”
Atas Tagapagpaganap Blg. 335 serye ng 1988
“Nag-aatas sa lahat ng kagawaran/ kawanihan/ tanggapan/ahensiya/ instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya.”
Anong batas ang nagsasabing lahat ng kagawaran/kawanihan/tanggapan/ahensiya/ instrumentaliti ay dapat na gamitin ang wikang Filipino?
Atas Tagapagpaganap Blg. 335 serye ng 1988
Anong artikulo ang nagsasaad na ang wikang Pambansa ay Filipino?
Artikulo XIV (14), Section 6
Kailan pinagtibay ang implementasyon sa paggamit ng wikang Filipino ngunit hindi naisagawa?
1934
Ano ang inatas sa pamahalaan sa Atas Tagapagpaganap Blg. 335 Serye ng 1988?
Na gumawa sila (ang kagawaran ng pamahalaan) ng hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na transaksyon/komunikasyon/korespondensya.