LESSON DISCUSSIONS (1) Flashcards
_____ ay ang pag-aaral ng galaw ng mata.
Oculesics
Ang _____ ay ang pag-aaral ng di-linggwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita.
Vocalics
_____ ang tawag sa komunikasyon kung ito ay gingamitan ng wika o salita at mga titik na sumisimbolo sa kahulugan ng mga mensahe at _____ naman kung hindi ito gumagamit ng salita, bagkus gumagamit ito ng mga kilos o galaw ng katawan upang maiparating ang mensahe.
berbal, di-berbal
Ang pag-aaral sa mga panghawak o pandama na naghahatid ng mensahe ay tinatawag na _____.
pandama, panghawak, haptics
Sa dyaryo naman ay wikang _____ ang ginagamit sa mga _____ at wikang Filipino sa mga _____, maliban sa People’s Journal at Tempo na nakasulat din sa wikang Ingles.
Ingles, broadsheet, tabloid
Ang pag-aaral naman ng ekspresyon ng muka upang maunawaan ang mensahe ay tinatawag naman na _____.
ekspresyon ng mukha, pictics
Ang _____ ay makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas maiiugnay sa pag-ibig at iba pang aspeto ng buhay.
Pick-up lines
Ang pagpapadala ng SMS o _____ na lalong kilala bilang text ay isang komportableng paraan ng pagpapadala ng maiikling mensaheng nakasulat.
Short Messaging System
Ang _____ ay ang tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakikilig, nakatutuwa, cute, cheesy, o minsa’y nakakainis. Karaniwang nagmula ito sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyon na nagmarka sa puso’t isipan ng mga manunuod.
Hugot lines
Ang _____ ay pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo o tumutukoy sa layo ng kausap sa kinakausap.
proksemika, proxemics
Ang mga pantelebisyong palabas sa oras ng pananghalian katulad ng _____ at _____ ay sinusubaybayan ng milyon-milyong manunuod na isa sa mga malalaking dahilan kung bakit halos lahat ng mamamayan sa bansa ay nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino.
Eat Bulaga, It’s Showtime
Ang _____ ay pag-aaral ng kilos o galaw ng katawan.
kinesika, Kinesics
_____ ang nangungunang wika sa radyo. Ang halos lahat ng estasyon ng radyo sa _____ o _____ ay gumagamit ng barayti nito.
Filipino, AM, FM
Ang pag-aaral na tumutukoy kung paano nakaaapekto ang oras sa komunikasyon ay tinatawag na _____.
chronemics