MODULE 1: Wika (Ang Wikang Opisyal at Wikang Panturo) Flashcards
Itinadhana ng Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV (14), Section 7 ang?
- Ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang tinatadhana ang batas, Ingles.
- Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong ng mga wikang panturo roon.
- Dapat itaguyod nang kusa at OPSIYONAL ang Kastila at Arabic.
Sa pangkalahatan, ang _____ at ______ ay mga wikang opisyal at wikang panturo sa mga paaralan.
Filipino at Ingles / Ingles at Filipino
Sa pagpasok ng K-12, ang _______ o UNANG wika ng mga mag-aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula kindergarten hanggang grade 3 sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
“Mother Tongue”
Tinawag na __________ ang wikang panturo na ginagamit sa K-12 curriculum, partikular sa kindergarten hanggang grade 3
“Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education (MTB-MLE)”
MTB-MLE
Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education
Brother Armin Luistro FC / Armin Altamirano Luistro
dating DepEd Secretary
ayon kay DepEd Secretary Brother Armin Luistro
Makakatulong sa mga unang baytang ng pag-aaral ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan upang mapaunlad ang wika at kaisipan ng mag-aaral at mapatibay ang kamalayang sosyo-kultural.
Noong mga unang taon ng pagpapatupad ng K-12, nagtadhana ang DepEd ng ilang lokal o pangrehiyon na wika at dayalekto para magamit sa MTB-MLE?
labindalawang (12) lokal o pangrehiyon na wika at dayalekto
Noong 2015, ilan ang nadagdag sa pangrehiyon na wika at dayalekto sa MTB-MLE?
pitong (7) wikang panrehiyon
Ilan ang pangrehiyon na wika at dayalekto na ginagamit para sa MTB-MLE sa KASALUKUYAN?
labinsiyam (19) na wika ang ginagamit
Ano-ano ang labinsiyam na wika sa MTB-MLE?
- Tagalog
- Kapampangan
- Pangasinense
- Tioko
- Bikol
- Cebuano
- Iligaynon
- Waray
- Tausug
- Maguindanaoan
- Maranao
- Chavacano
- Ybanag
- Ivatan
- Sambal
- Aklanon
- Kinaray-a
- Yakan
- Surigaonon
Ginagamit sa ilang paraan ang mga wika at dayalekto sa MTB-MLE?
2 paraan
Ano ang dalawang paraan kung bakit ginagamit ang mga wika at dayalekto sa MTB-MLE?
UNANG PARAAN: bilang hiwalay na asignatura
PANGALAWANG PARAAN: bilang wikang panturo
Ano ang pokus sa kindergarten at unang baytang?
Katatasan sa pasalitang pagpapahayag
Ano ang pokus sa ikalawa hanggang ikaanim na baytang?
bibigyang-diin ang iba’t iba pang bahagi ng wika tulad ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat.