MODULE 4: Ang Kasaysayan ng Wikang Pambansa (Panahon ng mga Espanyol) Flashcards
Ano ang layunin ng mga Espanyol?
ikintal sa isip at puso ng mga katutubo ang KRISTIYANISMO
Ayon sa mga Espanyol, nasa anong kalagayan ang mga katutubo noon?
nasa kalagayang “barbariko, di sibilisado, at pagano”
Ano ang ginamit ng mga Espanyol upang maging sibilisado ang mga katutubo?
ang kanilang pananampalataya
Paano naipalaganap ang Kristiyanismo?
Sa pananakop ng Espanyol sa Pilipinas
Sino ang naging institusyon ng mga Pilipino?
Ang mga Prayleng Espanyol
Upang maisakatuparan ang layunin ng mga Espanyol, ano ang inuna nilang gawin?
paghahati ng mga isla ng mga pamayanan
Nakita nilang mahirap palaganapin ang relihiyon, patahimikin at pasunurin ang mga Pilipino kung iilang Prayle lamang ang mangangasiwa. Ano ang ginawa nila sa mga pamayanan para maisakatuparan ang kanilang layunin?
Pinaghati-hati sa APAT na orden ng misyonerong Espanyol na pagkaraa’y naging LIMA
Anu-ano ang LIMANG (5) misyonaryong Prayle?
- Agustino
- Pransiskano
- Dominikano
- Heswita
- Rekoleto
Anong ginawa ng mga Prayle nang malamang may wikang ginagamit sa pakikipagusap at pakikipagkalakalan ang mga katutubo?
Pinigil nila ito.
Sa loob ng maraming taon, ano ang ginawa ng mga Espanyol?
Sinikil ang kalayaan ng mga katutubong makipagkalakalan sa ibang lugar upang HINDI NA MAGAMIT ANG WIKANG KATUTUBO
Upang maging matagumpay ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo, ano ang ginawa ng mga Misyonaryo?
sila mismo ang nag-aral ng wikang katutubo.
Ano ang sinulat ng mga Prayle upang mapabilis ang pagkatuto ng katutubong wika?
- nagsulat ng mga diksyunaryo at aklat-panggramatika,
- katekismo,
- at mga kumpresyonal
Ano ang iminungkahi ni Gobernador Tello?
turuan ang mga Indio ng wikang Espanyol.
Sino ang dalawang tao naniniwalang kailangang maging bilingguwal ang mga Pilipino?
Si Carlos I at Felipe II
Ano ang iminungkahi ni Carlos I?
ituro ang Doctrina Christiana gamit ang wikang Espanyol
Ano ang nangyari sa mga Katutubo pagdating sa relasyon sa mga Prayle at sa pamahalaan?
- NAPALAPIT sila sa mga Prayle dahil sa ginagamit na wika
- NAPALAYO sa pamahalaan dahil sa wikang Espanyol ang ginamit nila.
Ano ang naganap noong Marso 2, 1634?
Inutos muli ni haring Felipe II ang pagtuturo ng wikang Espanyol sa lahat ng mga Katutubo.
Anong nilagdaan ni haring Carlos IV noong Disyembre 29, 1792?
Isang dekrito na nag-uutos na gamitin ang wikang Espanyol sa lahat ng paaralang itatatag sa pamayanan ng mga Indio.
Sa panahong ng Espanyol, ano ang nangyari sa wikang katutubo at sa mga Pilipino?
- Nanganib ang wikang katutubo ng mga Pilipino
- Nagkawatak-watak ang mga Pilipino