KOMU - Antas ng Wika, Baryti at Rehistro ng Wika, Mononggwalismo, Bilinggwalismo, Multinggwalismo, Homogeneous at Heteregenous na Wika Flashcards
DALAWANG ANTAS NG WIKA
PORMAL AT IMPORMAL
MGA IMPORMAL NA WIKA
BALBAL
KOLOKYAL
LALAWIGANIN
MGA PORMAL NA WIKA
PAMPANITIKAN
PAMBANSA
Ito salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami
PORMAL
Ito ang salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalarila sa lahat ng mga paaralan
PAMBANSA
Ito ang mga salating gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan
PAMPANITIKAN O PANRETORIKA
Ito ang mga salitang karaniwan, palasak, pang- araw-araw na madalas nating gamitin sa pakikipagusap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.
IMPORMAL
Ito ang bokabularyong dayalektal. Gamitin
ang mga ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang, maliban kung ang mga taal na gumagamit nito aymagkikita-kita sa ibang lugar dahil natural na sila itong naibubulalas. Makikilala rin ito sa pagkakaroon na kakaibang tono, o ang tinatawag ng marami na punto.
LALAWIGANIN
Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang mga salita lalo na sa mga pasalitang komunikasyon ay mauuri rin sa antas nito.
KOLOKYAL
Ito ang tinatawag sa Ingles na slang. Sa mga
pangkat-pangkat nagmumula ang ang mga ito upang ang
mga pangkat ay magkaroon ng sariling codes
BALBAL
Mababang antas ng wika
BALBALL
Anong Paraan o Proseso ng Pagbuo ng Salitang Balbal ito?
gurang (Bic., Bis)
bayot (Ceb.)
buang (Bis.)
dako (Bis)
Paghango sa salitang katutubo/Lalawiganin
Anong Paraan o Proseso ng Pagbuo ng Salitang Balbal ito?
pikon (pick on, Eng.)
wheels ( Eng.)
Indian (Eng.)
Salvage (Eng.)
Panghihiram sa Wikang Banyaga
Anong Paraan o Proseso ng Pagbuo ng Salitang Balbal ito?
hiyas (gem –virginity)
Luto (cook –game fixing)
Taga (hack –commission)
Ube (purple yam- (P 100)
Bata (child, fiancee)
Pagbibigay ng Bagong kahulugan sa salitang Tagalog
Anong Paraan o Proseso ng Pagbuo ng Salitang Balbal ito?
Muntinlupa – Munti
Kaputol- utol/tol
Wala –wa
Amerikana - Kano
Pagpapaikli/Reduksyon
Anong Paraan o Proseso ng Pagbuo ng Salitang Balbal ito?
bata- atab
kotse-tsikot
Pagbabaligtad/ Metatesis
Anong Paraan o Proseso ng Pagbuo ng Salitang Balbal ito?
Ksp (kulang sa pansin)
Paggamit ng akronim
Anong Paraan o Proseso ng Pagbuo ng Salitang Balbal ito?
14344 (I love you very much)
Paggamit ng bilang
Anong Paraan o Proseso ng Pagbuo ng Salitang Balbal ito?
Asawa – jowa
Pagpapalit ng pantig
Anong Paraan o Proseso ng Pagbuo ng Salitang Balbal ito?
hiya-yahi-dyahi
Pilipino –Pino- Pinoy
Kumbinasyon
Anong Paraan o Proseso ng Pagbuo ng Salitang Balbal ito?
Anong say mo
Paghahalo ng Wika
Saan nag-ugat ang barayti ng wika?
Sa pagkakaiba-ibang mga indibidwal at grupo, maging ng kani-kanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa.
Bunga raw ito ng ng punto, bokabolaryo o
pagkakabuo ng mga salita.
Ito ay ayon kanino at saan?
Sa aklat ni Austero, (2012) Binigyang -linaw nina Zapra at Constantino(2001)
Ayon dito, ang varyasyon ay nangyayari ayon sa konteksto ng etniciti, sosyal klas, seks, heyograpiya, edad at iba pang faktor
Sosyolinggwistik
Ayon dito, tinutukoy ang varyasyong fonolohikal,
varyasyong morpolohikal, varyasyong sintaktik at varyasyong
semantik.
Linggwistiks
Ang panlaping um ay napapalitan ng na sa lalawigan ng Quezon at
Batangas.
Halimbawa:
Kumain ako ng isda. - Maynila
Nakain ga ng isda?- Batangas
Varyasyon sa pagbigkas at ispeling ng salita ayon sa lugar kung saan ito sinasalita
Magkuha sa halip na kumuha
Magsisid sa halip na sumisid
Magkain sa halip na kakain
Magbisita sa halip na bibisita
Varyasyon sa wikang Visaya. Mas ginagamit ang unlaping mag kaysa
sa um.
Gabi - gab-i sa Batangas
Ngayon – ngay-on sa Batangas
Matamis – matam-is
Nilunok – nilun-ok
Varyasyon pa rin sa pagbigkas