Filipino 2 Flashcards
- Ano mang uri ng pagsulat na isinagawa upang makatupad sa isang pangangailangan sa
pag-aaral.
● Ano mang uri ng akdang prosa o tuluyan na nasa uring ekspositori o argumentatibo at
ginagawa ng mga mag-aaral, guro o mananaliksik upang makapagpahayag ng
mgaimpormasyon tungkol sa isang paksa.
● Ito ay isinasagawa dahil sa pangangailanganng mga asignaturang tinatalakay sa mga
akademikong institusyon. Ito ay maaaring maging isang kritikal na sanaysay, lab
report, eksperimento, pamanahong papel, tesis, pananaliksik o disertasyon.
KAHULUGAN AT KALIKASAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT
TATLONG BAHAGI NG KALIKASAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT (Fulwiler at Hayakawa,
2003)
- KATOTOHANAN - pormal
- EBIDENSYA - citations or proof
- BALANSE - hindi bias
● Diretso o may sentral na idea
● Ang akademikong pagsulat ay may tinutumbok na isang sentral na ideya o tema at ang bawat bahagi ay nag-aambag sa pangunahing linya ng argumento nang walang digresyon o repetisyon.
LINEAR
MGA KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT
- KOMPLEKS - malawak
- PORMAL
- TUMPAK - swak
- OBHEKTIBO - may kapupuntahan
- EKSPLISIT - malinaw
- WASTO - strusktura at gramatika
- RESPONSABLE - marunong tumanggap ng pagkakamali
MGA KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT
- Malinaw sa layunin
- Malinaw na pananaw
- May pokus
- Lohikal na organisasyon - organized
- Matibay na suporta
- Malinaw at kumpletong eksplanasyon - solid explanation
- Epektibong pananaliksik - natututo
- Iskolarling stilo sa pagsulat - style
MGA LAYUNIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT
- Manghikayat -
- Magsuri -
- Magbigay Impormasyon-
posisyong papel (magadd ng more information)
Maghikayat
panukalang proyekto (basahing maigi)
Magsuri
abstrak ng pananaliksik (pinaka purpose ay magbigay ng
info)
Magbigay Impormasyon
MGA TUNGKULIN O GAMIT NG AKADEMIKONG PAGSULAT
- kahusayan sa wika
- mapanuring pagiisp
- pagpapahalagang pantao
- paghahanda sa isang propesyon
Ito ay isang maikling buod ng artikulong nakabatay sa pananaliksik, tikhay, rebyu o katitikan ng kumperensya.
● Ito’y tumutukoy sa pinaikling deskripsyon ng isang pahayag o sulatin. (pahapyaw)
● Tumutukoy ito sa eksklusibong karapatan o pagmamay-ari ng isang malikhain o intelektwal na akda o imbensyon. maikling buod batay sa tikhay
Abstrak o halaw
MGA LAYUNIN NG ABSTRAK
● Nais nitong gawing payak ang pag-unawa sa isang malalim at kompleks na pananaliksik o pag-aaral sa isang partikular na larangan. (simple)
● Nilalayon nitong tumayo bilang isang hiwalay na teksto at kapalit ng isang buong papel o pag-aaral. (kaya nitong tumayo magisa)
● Nilalayon ng isang mahusay na abstrak ang maibenta o maipakitang maganda ang kabuuan ng pananaliksik at mahikayat ang mga mambabasa na ituloy pa ang pagbabasa ng buong artikulo o pag-aaral sa pamamagitan ng paghahanap o pagsipi ng mga bahagi nito.
MGA NILALAMAN NG ABSTRAK
- Buod
- Layunin at kahalagahan ng pag-aaral
- Resulta
- Konklusyon
- Rekomendasyon
MGA URI NG ABSTRAK O HALAW
IMPORMATIBONG ABSTRAK
DESKRIPTIBONG ABSTRAK
KRITIKAL NA ABSTRAK
● Ito ay naglalaman ng halos lahat ng mahahalagang impormasyong matatagpuan sa loob ng pananaliksik.
● Kadalasang nagtataglay ng 200 mga salita.
impormatibong Abstrak
NILALAMAN NG IMPORMATIBONG ABSTRAK
- Motibasyon
- Suliranin - SOP
- Pagdulog at Pamamaraan - research instrument
- Resulta - findings
- Kongklusyon
● Kadalasan itong maikli. Binubuo lamang ito ng 100 mga salita.
● Hindi buo ang paglalahad sa mga detalye o bahagi ng isang pananaliksik.
deskriptibong abstrak
NILALAMAN NG DESKRIPTIBONG ABSTRAK
- Suliranin
- Layunin at Pag-aaral
- Metodo o Pamamaraan - methodology
- Saklaw ng Pag-aaral - Scope and Delimitations
● Ito ay ang pinakamahabang uri ng abstrak dahil halos katulad ito ng isang rebyu.
● Higit itong detalyado at mapanuri kaysa sa ibang uri ng abstrak o halaw.
KRITIKAL NA ABSTRAK
MGA NILALAMAN NG KRITIKAL NA ABSTRAK
- Motibasyon
- Suliranin - SOP
- Pagdulog at Pamamaraan - research instrument
- Resulta - findings
- Kongklusyon
- Kasapatan, Katumpakan at Kabuluhan ng Pag-aaral
● Ito ay tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang pananalita, ukol sa kanyang mga narinig o nabasang artikulo, balita, aklat, panayam, isyu, usap-usapan at iba pa.
● Ito rin ay payak na paraan ng pag-uulat sa trabaho, liham pangnegosyo at dokumentasyon.
● Katumbas ito ng lagom na sa Ingles ay tinawatag na summary.
● Karaniwan itong isinusulat sa anyong patalata at hindi sa anyong pabalangkas
● Ito ay kadalasang ginagamit sa panimula ng mga akdang pampanitikan para maipakita ang pangunahing daloy ng banghay sa simpleng pamamaraan.
BUOD
MGA DAPAT TAGLAYIN NG ISANG BUOD
- Kailangang ang isang buod ay tumatalakay sa kabuuan ng orihinal na teksto.
- Kailangang mailahad ang sulatin sa paraang nyutral.
- Kailangang ang sulatin ay pinaiksing bersyon ng orihinal na tektso at naisulat sa sariling
pananalita ng gumawa.
MGA KATANGIAN NG ISANG BUOD
- Nagtataglay ng obhektibong balangkas ng orihinal na teksto.
Sumasagot dapat ito sa mga tanong na Ano, Sino, Saan, Bakit at Paano. - Hindi nagbibigay ng sariling ideya o kritisismo.
- Hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye o impormasyong wala sa orihinal na
teksto. - Gumagamit ng mga susing salita.
- Gumagamit ng sariling pananalita ngunit napapanatili ang orihinal na mensahe.
MGA HAKBANG SA PAGBUBUOD
- Habang binabasa ang akda, salungguhitan ang mga mahahalang punto o detalye.
- Ilista o igrupo ang mga pangunahing ideya, ang katulong na ideya at ang pangunahing paliwanag sa bawat ideya.
- Kung kinakailangan, ayusin ang pagkakasunud-sunod ng mga ideya sa lohikal na paraan.
- Kung gumamit ng unang panauhan ang may-akda (hal. ako), palitan ito ng “ang manunulat o siya.”
- Isulat ang buod sa tiyak na paraang dapat sundin at isaalang-alang ang tunay na diwa o mensahe ng teksto.