Filipino 1 Flashcards
Ayon sa kaniya, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa parang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
Henry Allan Gleason (Austero et al. 1999).
Mahalaga ang wika sa pagpapanatili, pagpapayabong, at pagpapalaganap ng kultura ng bawat grupo ng tao. Nagkakahiraman ng kultura ang mga bansa sa tulong ng wika. Kung walang wika, walang magagamit na pantawag sa tradisyon at kalinangan, paniniwala, pamahiin, at sa iba pang bagay na kaugnay ng paraan ng pamumuhay ng mga tao.
Kahalagahan ng Wika
Ang wikang ginagamit sa komunikasyon ng dalawang taong may magkaibang wika ay tinatawag na
-Ito ang nagsisilbing tulay ng unawaan ng iba’t ibang grupo ng taong may kani-kaniyang wikang ginagamit.
Lingua/Lingus Franca
Binubuo ng mga makabuluhang tunog o ponema ang wika na nakalilikha ng mga yunit ng salita na kapag pinagsama-sama sa isang maayos at makabuluhang pagkakasunod-sunod ay nakabubuo ng mga parirala, pangungusap, at talat
ang wika ay may masistemang balangkas.
Pinagkakasunduan ang anumang wikang gagamitin ng mga grupo ng tao para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Ang wika ay arbitraryo
Pinagkakasunduan ang anumang wikang gagamitin ng mga grupo ng tao para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Ang wika ay arbitraryo
Ang Tagalog, Sinugbuanong Binisaya, Ilokano, Hiligaynon, Samar-Leyte, Pangasinan, Bikol at iba pa ay ____
Mga wika
ay nangangahulugang varayti ng isang wika
Dayalekto
ang wikang katutubo ng isang pook. Hindi ito isang varayti ng wika tulad ng dayalekto kundi isang hiwalay na wika na ginagamit sa isang lugar na hindi sentro ng gobyerno o ng kalakal.
Bernakular
ay tumutukoy sa dalawang wika. Isang pananaw sa pagiging bilingguwal ng isang tao kung nakapagsasalita siya ng dalawang wika nang may pantay na kahusayan.
BIlingguwalismo
tumutukoy sa pantay na kahusayan na pagagamit ng maraming wika ng isang tao o ng grupo ng mga tao. Bunsod ito ng pagiging multikultural nating mga Pilipino.
Multilingguwalismo
Tinatawag ding wikang sinuso sa ina o inang wika dahil ito ang unang wikang natutuhan ng isang bata.
Unang Wika
ang tawag sa iba pang mga wikang matututuhan ng isang tao pagkaraang matutuhan ang kaniyang unang wika. May mga pagkakataong pangalawang wika ang karaniwang ginagamit ng isang tao upang makipag-usap sa ibang taong nasa labas o hindi kabilang sa kaniyang etnolingguwistikong grupo.
Pangalawang WIka
Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng 1987, nakasaad na, Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino
“ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Bilang mga opisyal na wika, may tiyak at magkahiwalay na gamit ang Filipino at Ingles.
Opisyal na Wika Ayon sa Artikulo IV, Seksiyon 7 ng Konstitusyon 1987