PILAR - All Topics Flashcards
Ito ay isang akto ng paglalatag ng mga plano at adhikain ng isang proyekto ng isang pangkat.
Panukalang Proyekto
iba’t ibang paraan ng
paglalahad o paghahain ng panukalang proyekto
- oral na presentasyon
- hiningi (solicited/invited)
- hindi hiningi
(unsolicited/prospecting)
mga pamantayan ang pagsulat ng panukalang proyekto
anyo ng balangkas, mga tiyak na bahaging lalamanin ng sulatin, pagkakasunod-sunod ng mga bahagi, at mga katawagan o terminolohiyang
Ang panukala ay puno ng mahahalagang kaalaman tungkol sa proyekto.
Detalyado
Malaki ang pagpapahalagang iniuukol sa kalinawan ng isang sulating ninanais ibahagi at naghihintay ng tugon mula sa mga tiyak na pinag-uukulan.
Malinaw
Hindi pinahihintulutan ang pagsulat ng panukalang mayroong dagdag o bawas sa impormasyon hinggil sa proyektong ilulunsad
Tapat
nakapanghihikayat at paborable para sa ikatatagumpay ng proyekto.
Mapanghikayat
mahahalagang impormasyon lamang ang nailalahad sa panukala.
Impormatibo
Gumamit lamang ng maiiksi at mga payak na salitang may tiyak na kahulugan.
Payak
Nakadaragdag sa paborableng tugon mula sa mga kinauukulan kung ang isang panukalang proyekto ay magalang at nagpapakita ng pagiging bukas sa mga puna o mungkahi.
Bukas
Naisasaad ang mga priyoridad at layunin ng proyekto para sa kapakinabangan ng mga benepisyaryo, sang-ayon sa simulain at tungkulin ng tagapangasiwa at mga pinag-uukulang target.
Makabuluhan at Makatotohanan
Layunin ng isang Panukalang Proyekto
- Magabayan ang buong pagpapatupad ng proyekto
- Makapangalap ng pondo (sulating aplikasyon sa pagkalap ng pondo)
- Makapanghikayat ng kalahok (imbitasyong dokumento para sa mga kalahok)
- Marating ang pampublikong sektor (imbitasyon ng suporta para sa lokal na pamahalaan)
- Matagubilinan ang pagtatasa (batayang dokumento ng idinaos na proyekto)
Isang pahina lamang itong nagsisilbing panakip na pahina at naglalaman ng sumusunod na impormasyon hinggil sa proyekto:
Pahina ng pamagat (panakip)
Ito ang bahaging binabasa ng potensyal na maging tagapondo ng proyekto at maaaring pagbatayan ng inisyal na pasya
Abstrak (Executive Summary)
Ito ang bahaging nagbibigay-katwiran sa pangangailangang maisakatuparan ang proyekto. Kailangang mailarawan nang mabuti ang kasalukuyang kalagayan, sampu ng mga bunsod pang salik na pangyayaring nagtutulak sa pag-iral ng kondisyon.
Kaligiran ng Suliranin
ang pagnanais na malunasan ang problema sa pangmahabang panahon at malawak na adhikain.
Pangkalahatan na Layunin
dapat na napatutunayan, nasusukat, may katapusan, at may tiyak na petsang maisasakatuparan.
Tiyak na Layunin
Meaning ng SIMPLE
Specific, Immediate, Measurable, Practical, Logical, at Evaluable
bawat nais na makamit o mangyari sa panukalang proyekto.
Specific
Tiyak ang mga petsa
Immediate
Mayroong batayan, kayang patunayan, at nasusukat ang mga nais isakatuparan sa ilalim ng proyekto.
Measurable
Tumutugon ang mga layunin sa pangkalahatang pagresolba sa suliraning nais tugunan ng proyekto.
Practical
Tumutukoy sa kung paano makakamit nang ganap ang proyekto.
Logical
May kakayahang masuri ang kabuuan ng proyekto mula sa iba’t ibang aspekto ng paglulunsad nito, lalo na sa ibinunga nitong kapakinabangan sa komunidad.
Evaluable
Mas detalyadong inilalarawan dito ang mga pakay na pangkat na makikinabang sa proyekto,
Makikinabang o Pakay na Pangkat
Dito isinasaad ang impormasyong tumutugon sa mga detalye ng pagkukunang-yaman ng proyekto
Mga Tinatanaw na Gawain at Bunga
Inilalahad dito ang sunod-sunod na mga aktibidad
Talatakdaan
Ipinakikilala ang organisasyon kahit sa maikling pahayag lamang
Ang Organisasyon (Pagkakakilanlan)
Hindi ito pangkaraniwang tala ng mga halagang perang gagastusin para sa isang proyekto
Mga Gastos at Benepisyo
tuloy-tuloy na pagsusuri ng sariling gawain
Pagmamasid at Pagsusuri
Ulat ito ng pagtutuos ng pondo at pagkakaroon ng pananagutan sa mga ito.
Pag-uulat
Binubuo ang bahaging ito ng mga dokumentong naglilinaw at detalyadong sumusuporta sa mga nilalaman ng iba’t ibang bahagi ng panukala.
Mga kalakip
Hakbang sa pagsulat ng Panukalang Proyekto
- Gumawa ng balangkas
- Sinsinin ang mga datos
- Ipangkat ang mga datos
- Sagutin ang mga susing tanong
- Itala nang detalyado ang bawat isang gastusing kakailanganin
- Isa-isa nang isulat sa paraan ng malayang paglalahad ang bawat bahagi ng panukalang proyekto
- Ilapat ang matrix ng gastusin
- gumamit ng ibang paraan ng presentasyo
- bullet point kung kinakailangan sa pag-iisa-isa ng mga baryabol
- Kapag buo na ang unang borador, muli itong balikan at basahin
- Isulat nang muli ang naisaayos na borador para sa pinal na kopya
- Ipabasa ang kopya
- Maaari nang ihain
ay sulating naglalaman ng pinaninindigang pananaw hinggil sa isang tiyak na mahalagang isyung may kinalaman sa iba’t ibang larang
Posisyong Papel
Kailangan ng isang _____ __ ____ lalahad sa loob ng isang posisyong papel
Tiyak ang Isyu
sa isyu kung may tiyak na inaayunang panig
Malinaw na Posisyon
Isa-isang tinutukoy ang mga konseptong napapaloob sa paksa at nilalakipan ang mga ito ng patunay bilang suporta sa pinaninindigang posisyon
May Mapangumbinsing Argumento
Isang hamon ang pagpili ng tono ng pananalita at paraan ng paglalahad na gagamitin ng manunulat
May Angkop na Tono
Mga sangkap ng Posisyong Papel na mahahalagang matukoy
paksa
posisyon o pananaw
kontra-argumento
kasalungat na pananaw
katuwiran
Ebidenisya
Ito ang bahaging ipinakikilala ang isyu
Panimula
Ito ang bahaging naglalaman ng maraming talata.
Ang Katawan
Ito ang pagtitibay ng posisyon ng manunulat sa isyu at isinisintesis ang mga kaisipang nailahad sa talakayan.
Pangwakas
ang _______ ay “ang salaysay ng isang sanay.”
Sanaysay
Tinatawag itong travel essay sa Ingles. Tinawag din itong sanaylakbay ni Nonon Carandang na binubuo ng tatlong konsepto: ang sanaysay, sanay at lakbay.
Lakbay Sanaysay
ay isang komprehensibong akademikong sulatin na naglalaman ng mga usaping pormal at legal ng isang samahan, institusyon o organisasyon.
Pagsulat ng Katitikang Pulong
Ito ay naglalaman ng pangalan at logo ng kompanya, samahan, organisasyon o kagawaran.
Pamagat ng Pulong (Heading)
isinasaad dito kung kailan ito magaganap at saan magaganap ang pulong.
Paggaganapan ng Pulong (Meeting Location/ Date)
Makikita sa bahaging ito kung sinosino ang mga dumalo at hindi dumalong kasapi ng samahan o institusyon.
Talaan ng mga kasapi (Attendance of the members)
Itinatala sa bahaging ito ang oras na nakasulat sa adyenda, ang aktwal na oras na ito ay nasimulan at kung sino ang naatasan na magtala ng pag-uusapan.
Oras ng Pulong (Meeting Time)
Talaan ng mga paksang lalamanin ng pulong.
Panukalang Adyenda (Agenda)
Inihahanda ito upang muling balikan ang napag-usapan at mga nagpakasunduan (action taken) nagdaaang pulong, at ipabatid ang maaaring kaugnayan nito sa kasalukuyang paksa.
Pagbasa ng nilalaman at napagkasunduan ng nakaraang pulong (Review of the previous meeting)
Sa bahaging ito iisa-isahin ang pagtalakay sa mga paksa.
Talakayan ng bagong Adyenda (New Agenda)
Mga paksang matatalakay sa pagtitipon na wala sa minungkahing adyenda.
Karagdagang Paksa ng Pulong (Other Agenda)
Sa bahaging ito sasabihin ang ilang pabatid para sa samahan o organisasyon at maaari rin magmungkahi sa bahaging ito adyenda para sa susunod na pulong.
Patalastas (Announcement)
Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras natapos ang pulong.
Pagwawakas ng Pulong (Adjournment)
Sa bahaging ito lalagda ang naghanda ng katitikan. Matapos niya itong ihanda ay babasahin at lalagdaan din ito ng taong nasa katungkulan na siyang magbibigay ng aprubal sa nilalaman ng katitikan.
Pagpapatibay ng katitikan (Minutes Prepared by and Approved by)
Kilala din bilang Palarawang Sanaysay, Pictorial Essay, Photo Essay, at Picture Essay
Larawang Sanaysay