PAGBASA MIDTERM Flashcards
Upang lubusang maunawaan ang teksto, kailangang maiugnay ng tagabasa ang dating alam sa kaniyang kakayahang bumuo ng mga konsepto, kasanayan, kaisipan mula sa mga naiprosesong impormasyon sa binasa
Coady
Pinakapagkain ng utak ng tao (mental food) sapagkat ang anumang binasa o kaalamang inilagak sa utak ang pinakapagkain nito
James Lee Valentine
Isang proseso, istrategik, interaktibo, at ang pagtuturo nito ay kinakailangan ng orkestrasyon
Mga Kontemporaryong Kahulugan (Klein, Peterson, at Simington)
Dalawang Uri ng Pagbasa (Dechant)
Bilang interpretasyon ng mga karanasan
Bilang interpretasyon ng mga grapikong simbolo
Ang teksto (pasalita o pasulat) ay walang kahulugang taglay sa kaniyang sarili
Sikolohikal na Pagbasa o Teoryang Iskema
Ang pag-unawa sa binasa ay pinoproseso ng utak
Inuunawa ng utak ng nagbabasa ang laman ng isip ng awtor
Kailangang mangyari ang kombinasyon ng top-down at bottom-up na mga teorya upang magkaroon ng pagkatuto
Interaktibong Proseso ng Pagbasa
Tinatawag na outside-in o data driven
Teoryang Bottom-Up
Tinatawag ding inside-out o conceptually driven
Teoryang Top-Down
Kumikilala sa letra, salita, hanggang sa marating ang komprehensyon sa binasa
Modelo ng Pagbasa ni Frank Smith
Kailangang may batayang kaalaman ang mambabasa: dating alam, karanasan, kaalaman sa ponema, bokabularyo, semantiks, at sintaks
Metakognitiv na Pagbasa
Koneksyong Pagbasa at Pagsulat
- Basehang eksperyensyal
- Perseptwal na impluwensya
- Elementong linggwistiks
- Kognitibong komponent
- Affective domain
Kailangang mapakinggang mabuti ang kaibahan ng mga tunog ng letra at ang pagkilala sa kurba ng pagkakasulat ng mga letra
Pandinig at biswal na pagkilala sa letra
Ang malawak na talasalitaan at tamang bigkas ay nakatutulong sa pagpapahusay ng pagbasa
Batayang kaalaman sa wika o lenggwahe
Estado ng emosyon ng tagabasa sa panahong siya’y nagbabasa
Pisikal at emosyunal na katayuan, katatagan ng emosyon (Emotional maturity)
Ang mambabasa ay nakikipag-ugnayan at nagbibigay-reaksyon sa binasa
Talino
Ang isang interesadong mambabasa na may kahandaan sa pagbasa ay nagkakaroon ng alisto o alertong mental atityud
Interes at Atityud
Kung walang kahulugang makikita sa mga salita, o kung hindi maunawaan ng mambabasa, hindi niya mapahahalagahan ang pagbasa
Bokabularyo o Talasalitaan
Depende sa antas ng bumabasa ang pagkakabuo ng mga salita at pangungusap na binabasa. Ang mas batang mambabasa ay may simpleng teksto, samantalang habang lumalaki ay nagiging kompleks ang istruktura ng pangungusap na binabasa
Istruktura ng Pangungusap
Ang pagbasa ng maraming impormasyon ay nangangailangan ng mas mahabang panahon at konsentrasyon
Kontent o Nilalaman
Isang mabilis na proseso ng pagbasa na naghahanap ng tanda upang mabigyang kahulugan ang binabasa
Iskiming
Hinahanap agad ang mga tala o facts upang masagot ang mga ispesipikong tanong
Iskaning
Nakatutulong upang unawain ang mga detalye, kaibahan ng pangunahin at pantulong na ideya, ang lahat ng tungkol sa teksto, mga salitang ginamit, at gamit ng teksto
Interpreting/Interpretasyon
Hinuhulaan ang maaaring kalabasan ng binabasang teksto
Predikting
Sinasalungguhitan ang mga tuwirang sabi, mahahalagang datos at isinusulat ang mga ito sa tabi ng margin
Anoneyting