Pagbabasa at Pagsusulat (Deskriptibo at Prosidyural) Flashcards
paglalarawan o deskripsyon sa katangian ng mga bagay, lugar, tao, pangyayari o maging ang mga ideya at pinakagamiting uri ng teksto
Tekstong Deskriptibo
uri ng paglalarawan (2)
Karaniwan
Masining
payak ang anyo ng pananalita at nagbigay kaalaman tungkol sa katangian ng paksa lamang
Karaniwan
gumagamit ng matalinhagang salita o
mga tayutay at naglalarawan ng higit
sa nakikita ng paningin gaya ng masidhing damdamin.
Masining
salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin.
Tayutay
5 Uri ng karaniwang tayutay
- pagtutulad o simili
- pagwawangis o metapora
- pagtatao, pagbibigay katauhan o personipikasyon
- Pagmamalabis o hayperbol
- pag-uyam o irony
ang ‘di-tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang tao, bagay, o pangyayari.
Pagtutulad o Simili
ang tiyak o tuwirang paghahambing ngunit hindi na kailangang gamitan ng pangatnig sa pangungusap.
Pagwawangis o Metapora
ginagamit upang pagtaglayin ng mga katangiang pantao (talino, gawi, kilos) at bigyang buhay ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos.
Pagtatao, pagbibigay katauhan o personipikasyon
masidhing kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan ang ipinapakita dito.
Pagmamalabis o Hayperbol
isang pagpapahayag na may layuning makasakit ng damdamin o mangutya ngunit ito ay itinatag sa paraang waring nagbibigay-puri.
Pag-uyam
ginagamit upang maiwasan ang paggamit ng isang salita nang paulit-ulit.
Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikal
5 uri ng Kohesyong Gramatikal
- Reperensiya o Pagtutungkol
- Ellipsis
- Substitusyon o Pamalit
- Pang-ugnay
- Kohesyong Leksikal
paggamit ng panghalip na tinutukoy sa una o hulihang pangalan
Reperensiya o Pagtutungkol
2 uri ng Reperensiya
Anapora
Katapora
panghalip na matatagpuan sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan ng pangungusap o talata.
Anapora
panghalip na matatagpuan sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangalan sa hulihan ng pangungusap o talata.
Katapora
pagtitipid sa pahayag dahil may mga salitang binabawas subalit naiintindihan at malinaw pa rin ito sa mambabasa dahil nakatulong ang unang pahayag upang matukoy ang nais ipahiwatig.
Ellipsis
ginagamitan ng salitang pamalit sa halip na ulitin muli ang salita.
Substitusyon o Pamalit
pangatnig na nag-uugnay sa salita, parirala, sugnay at
pangungusap.
Pang-ugnay
salitang ginagamit sa teksto na maaaring paulitulit upang magbigay – linaw sa mahahalagang detalye.
Kohesyong Leksikal
2 uri ng kohesyong leksikal
Reiterasyon
Kolokasyon
kung ang salita ay nauulit nang ilang beses
Reiterasyon
salitang magkaparehas o magkasama
Kolokasyon
3 uri ng reiterasyon
- repetisyon o pag-uulit
- pag-iisa-isa
- pagbibigay kahulugan
inuulit ang buong salita o pangngalan (noun).
repetisyon o pag-uulit
enumerasyon (enumeration sa Ingles)
pag-iisa-isa
magkaibang salita ngunit may iisang kahulugan.
pagbibigay kahulugan
Isang uri ng tekstong expository, Naglalaman ito ng mga impormasyon tungkol sa isang paksa kung paano isagawa ang proseso ng paggawa o paggamit ng isang bagay.
Tekstong Prosidyural
Kailangang tiyak at wasto ang paglalahad ng mga impormasyon.
Katangian ng tekstong prosidyural
Organisado ang pagsasaayos ng mga proseso.
Katangian ng tekstong prosidyural
Malinaw na naipaliliwanag ang mga kakailanganing gawin para makamit ang katagumpayan sa inaasahang kalalabasan ng output.
Katangian ng tekstong prosidyural
Simple o payak ang paggamit ng mga salita o terminolohiya
Katangian ng tekstong prosidyural
Madaling maunawaan ang nilalaman ng target na mambabasa
Katangian ng tekstong prosidyural
Maipabatid ang wastong proseso kung paano isagawa ang isang bagay.
layunin ng tekstong prosidyural
Makatutulong upang mapadali ang pagsasagawa o paggamit ng isang bagay.
layunin ng tekstong prosidyural
Makapagbigay ng kabatiran sa mga mambabasa.
layunin ng tekstong prosidyural