Filipino: Module 15 1st Sem | 1st Grading Flashcards
Saklaw nito ang mga detalye tulad ng nasa loob o
labas ba, sa entablado o sa lupa ba, at malamig o mainit ba ang
temperatura ng ang pagdarausan ng pagtatalumpati.
Lunan ng talumpati
Tinitingnan dito kung ano ang pinag-aralan,
kalagayang pang-ekonomiko, kasariaan, edad, relihiyon, at iba pa.
Sinusuri rin dito kung ano ang pakinabang na matatamo/makakamit
ng mga manonood sa talumpati.
Manonood ng Talumpati
Ang pokus ng pagsusuri sa salik na ito ang
dahilan kung bakit nagtalumpati/magtatalumpati ang isang
tagapagtalumpati.
Layunin ng Tagapagtalumpati
Sinusuri rin dito kung ano ang pakinabang na
matatamo/makakamit ng mga manonood sa talumpati.
Manonood ng Talumpati
Pokus ang dahilan kung bakit isasagawa ang
talumpati sa salik na ito
Layunin ng Oksayon ng talumpati
Sa salik na ito, maaari mong suriin ang tema o
paksa ng okasyon na nasulat at naibahagi ng nagtalumpati.
Layunin ng okasyon ng Talumpati
Ilan sa halimbawa ng salik na ito ay ang
pagbibigay ng impormasyon sa mga usaping may kaugnayan sa
komunidad, pagbibigay-inspirasyon, o kaya ay magbahagi ng
karanasan ng mananalumpati na kapupulutan ng aral ng mga
tagapanood at/o tagapakinig.
Layunin ng Okasyon ng Talumpati
Sinasaklaw nito ang mga damdamin na
nakapaloob sa isang teksto at mga damdamin na maaaring
maramdaman ng isang mambabasa o tagapakinig ng teksto gaya ng
talumpati.
Bisa sa Damdamin
Sinasaklaw nito ang mga posibilidad na maaaring
mangyari sa lipunan sakaling mababasa o mapakikinggan ng mayorya
ng mga tao ang isang teksto gaya ng talumpati.
Bisang Panlipunan
Sinasaklaw nito ang mga kaisipan na nakapaloob
sa isang teksto na pinakatumatak at nagkaroon ng impact sa isip ng
isang mambabasa o tagapakinig ng teksto gaya ng talumpati.
Bisa sa kaisipan