Filipino: Module 14 1st Sem | 1st Quarter Flashcards
Pangunahing layunin ng talumpati na makahikayat o
mangatuwiran sa mga napapanahong isyu o isang
partikular na paksa.
Tama
Ang State of the Nation Address (SONA) at privilege
speeches ng mga mambabatas sa Mataas at Mababang
Kapulungan ay halimbawa ng talumpating binabasa
Tama
Ang mga talumpati na naglalahad ng panghihikayat ng
pagkakaisa ng mga mamamayan ng isang bansa sa
pagharap sa mga suliraning panlipunan gaya ng
pandemyang COVID-19 ay maituturing na talumpating
nagtataguyod ng pagbubuklod-buklod ng lipunan.
Tama
Ang mga talumpati na binibigkas sa mga press
conferences ay kongkretong halimbawa ng may
paghahanda o prepared speech.
Tama
Sa isang online news portal, napanood mo ang press
briefing ng Department of Education tungkol sa naging
paghahanda nito sa nakaraang pagbubukas ng klase sa
Taong Pang-akademiko 2020-2021. Sa ganito, maituturing
na ang layunin ng talumpati batay sa sitwasyon ay
talumpating nagbibigay-impormasyon.
Tama
Ito ay isang pormal na pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga
tagapanood at/o tagapakinig.
Talumpati
Ito ay varayti ng mga kagamitan na maaaring magamit sa pagbuo ng
plano ng paglinang sa paksa ng talumpati
Materyal
Isa ito sa mahalagang salik sa pagtatalumpati dahil sila ang
tagatanggap ng mensahe na lalamanin ng talumpati
Manonood
Tumutukoy sa lugar at panahon kung saan isasagawa ang
pagtatalumpati.
Luna
Ito ay mga salita o parirala na ginagamit sa pag-uugnay ng mga diwa na nasa anyo ng mga salita.
Pantransisyon
Maaaring ituring na talumpati ang mga pormal at
akademikong gawain gaya ng panayam o lektura, presentasyon
ng papel, keynote address o susing salita, talumpati sa mga
seremonya, talumpati na nagbibigay-inspirasyon, at iba pa.
Tama
Isang mahalagang salik ang manonood sa pagtatalumpati
dahil sila ang tagatanggap ng mensahe na lalamanin ng
talumpati.
Tama
Walang anumang tekstong naisulat ang perpektong-perpekto
na sa unang pagsulat pa lamang
Tama
Bilang tagapagtalumpati, mainam na isaisip kung ang haba
ng panahon na inilaan para sa talumpati ay natutugunan ng
haba o ikli ng binuong talumpati.
Tama
Hangga`t maaari, iwasan ang mga mahahabang salita at
mahahabang mga pahayag sa pagsulat ng talumpati.
Tama