Filipino: Module 13 1st Sem | 1st Grading Flashcards
Isa sa mga uri ng talumpati na
ibinibigay lamang ang paksa
sa magtatalumpati at saka ito
ipaliliwanag.
Impromptu
Ito ay buod ng kaisipan na
isinulat at binibigkas sa
publiko na naglalayong
makahikayat o mangatuwiran
sa mga napapanahong isyu.
Talumpati
Ito ay talumpating may
paghahanda sa balangkas at
ang pagpapaliwanag sa
katawang bahagi ng talumpati
ay batay sa tagapagsalita.
Ekstempo
Ito ay isang komunikatibong
pasalita na isinasagawa sa
pampublikong lugar na may
layuning makapaglahad ng
mga impormasyon, opinyon,
atbp
Talumpati
Uri ng talumpati kung saan
nabibilang ang valedictorian at
salutatorian address.
isinaulo
Si Irish ang valedictorian ng batch ng mga magsisipagtapos sa Taong
Panuruan 2019-2020 sa Lakandula High School. Bilang valedictorian, siya
ang naatasan na magbigay ng valedictorian address sa Araw ng Pagtatapos.
Malayo pa man ang Araw ng Pagtatapos ay masinop na isinulat at isinaulo
na ni Irish ang kaniyang magiging talumpati.
Talumpating isinaulo
Sa serye ng pagdinig na isinagawa sa Batasang Pambansa tungkol sa
pagbibigay ng prangkisa sa pagbo-broadcast ng ABS-CBN, ang mga
mambabatas ay nagpahayag ng kanilang mga ideya at saloobin sa isyu sa
pamamagitan ng kani-kanilang privilege speech. Habang nagtatalumpati,
binabasa ng mga mambabatas ang kanilang talumpati na naglalaman ng mga
datos tungkol sa iba`t ibang isyung kaugnay sa prangkisa ng nabanggit na
istasyon ng telebisyon.
Talumpating Binabasa
Nagpatawag ng pulong ang inyong punong-barangay para sa paghahalal
ng mga opisyales sa inyong purok. Nang matapos ang pagpupulong, nahalal
si Mang Amon bilang pangulo ng inyong purok. Bago opisyal na matapos ang
pagpupulong, sa mismong sandali na iyon, nagpaunlak ng isang talumpati si
Mang Amon.
Impromptu Speech
Magkakaroon ng paligsahan sa pagtatalumpati ang inyong paaralan bilang
bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa taong ito. Itinakda ng inyong
guro sa Filipino na ang pangkalahatang tema ng isusulat ninyong talumpati
ay Ang Wikang Filipino sa Panahon ng Fake News. Bilang paghahanda,
nagsaliksik ka sa iba`t ibang mga sanggunian patungkol sa tema. Bumuo ka
rin ng mga balangkas kung paano mo bubuoin ang iyong talumpati.
Talumpating Ekstemporaryo
Noong Hunyo, isinagawa ang ika-4 na State of the Nation Address ni Pang.
Rodrigo Roa Duterte. Sa pagtatalumpati, binasa niya sa harap ng milyonmilyong Pilipino ang mga proyektong naisagawa na sa nakaraang apat na
taon at mga proyektong isasagawa pa sa huling dalawang taon ng kanyang
panunungkulan.
Talumpating Binabasa
Naglalayon ang talumpati na makahikayat o
mangatuwiran sa mga napapanahong isyu o isang
partikular na paksa.
Tama
Ang talumpating isinaulo ay tulad ng talumpating
binabasa na inihanda ang kabuoan sa anyong pasanaysay
ngunit isinaulo para bigkasin sa harap ng mga
tagapakinig.
Tama
Ang talumpating nanghihikayat ay may layuning
mapaigting, mabago, maimpluwensyahan o
mapatotohanan ang mga saloobin, paniwala o emosyon ng
tagapakinig
Tama
Ang State of the Nation Address (SONA) at mga
prebilehiyong talumpati ng mga kongresista o senador ay
halimbawa ng talumpating binabasa.
Tama
Sa biglaang talumpati, ang talumpati na isinulat at/o
binigkas din ng parehong araw at agad-agad.
Tama