FILI4 Flashcards
Tumutukoy sa masining na pagpapahayag na ginagamitang maayos,malinaw,mabisa at kaakit akit na salita.
Retorika
Tumutukoy sa wastong gamit ng mga salita,bantas,bahagi ng pananalita,,parirala,sugnay, at pangungusap.
Gramatika
naglagkap ng kakaibang estilo upang maging mabisa at kahika hikayat ang talumpati.
Aristotle
pinakabantog na orador sa kanyang panahon.
Demosthenes
naging mag aaral ni Socrates ay natanyag dahil sa kanyang estilo ng pagbigkas sa salig sa magaganda at maiindayog na akdang tuluyan.
Iscocrates
ano man
ang ating iniisip o nadarama ay maaari nating
ipahayag sa pasalita opasulat na paraan upang
maunawaan ng iba pang tao.
Kahalagahang Pangkomunikatibo
salita ang
puhunan ng mga pari at ministro ng alinmang
sekta ng relihiyon sa kanilang pagpapalaganap ng
pananampalataya.
Kahalagahang Panrelihiyon
sa isang
manunulat, ang kanyang tagumpay sa pagsusulat
ay nasa paggamit niya ng mga salita. Dapat ang
gamit niyang wika at ang istilo ng kanyang
pagpapahayag sa kanyang mga akda ay parang
buhay na tubig na natural na sumisibol at
dumadaloy sa personalidad ng kanyang mga
tauhan at sa kapaligirang kanilang ginagalawan.
Kahalagahang Pampanitikan
Ang mga artista sa
teatro, telebisyon at pelikula, gayundin, ang mga
personalidad sa iba’t ibang media ay nakararating
sa rurok ng kanilang tagumpay sa pamamagitan
ng mga katangi-tangi nilang pagsasalita at mga
kaakit-akit nilang boses na humuhubog sa
kanilang personalidad para makilala ng madla
Kahalagahang Pangmedia
Maraming
batikang pulitiko ang namumuhunan sa
maretorikang pagpapahayag. Sa sandal ng
kanilang pangangampanya, kapanapanabik ang
pagbibitiw nila ng mga pananalita, lalo’t
naglalaman ng mga platapormang mapangako sa
mga kalagayang naghihintay ng pagbabago.
Kahalagahang Pampulitika
tumutukoy sa kredibilidad ng
manunulat.
Ethos
Dapat makumbinsi ng isang manunulat ang
mambabasa na siya ay may malawak na
kaalaman at karanasan tungkol sa paksa.
ethos
tumutukoy ito sa gamit ng emosyon
o damdamin upang mahikayat ang mambabasa.
*Paggamit ng pagpapahalaga at paniniwala
ng mambabasa ay isang epektibong paraan
upang makumbinsi sila.
Pathos
tumutukoy sa gamit ng lohikal upang
makumbinsi ang mambabasa.
Logos
Elemento ng Retorika
- Paksa
- Kaayusan ng mga bahagi
- Estilo
- Shared Knowledge o kaalamang taglay pareho ng manunulat at awdyens
- Paglilipat ng mansahe