Wikang Pambansa, Opisyal At Panturo Flashcards
Wikang opisyal
Nakasaad ito sa Artikulo IV, Seksyion 7, Konstitusyon ng 1987 na “Ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.” Ang Ingles at Filipino ay nagsisilbing mga opisyal na wikang binibigyan ng pagkilala sa batas bilang mga wikang gagamitin sa mga opisyal na transaksiyon ng pamahalaan
Wikang pambansa
Nakasaad sa ating konstitusyon na matatagpuan sa unang bahagi ng Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng 1987, “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.”
Ang Wikang Opisyal
Nakasaad ito sa Artikulo IV, Seksyion 7, Konstitusyon ng 1987 na “Ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.” Ang Ingles at Filipino ay nagsisilbing mga opisyal na wikang binibigyan ng pagkilala sa batas bilang mga wikang gagamitin sa mga opisyal na transaksiyon ng pamahalaan.
Ang Wikang Panturo
Nakasaad din ito sa konstitusyon na makikita sa ikalawang bahagi ng Artikulo XIV, Seksiyon 6 “Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasiya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.”
Unang wika
ang tawag sa wikang unang natutuhan ng bata, tinatawag din itong “inang wika.” “Taal” na tagapagsalita ang tao sa kaniyang unang wika. Ibig sabihin bihasa o magaling siya sa pagsasalita ng wikang ito.
Pangalawang wika
naman ang tawag sa mga wikang natutuhan matapos niyang matutuhan ang unang wika. Ito ang mga wikang natutuhan ng isang tao sa labas ng tahanan na maaaring sa paaralan, kaibigan o ibang tao. Hal. Taal na Chavacano ang isang bata, at dahil sa mga kaibigan at turo sa paaralan natuto na siya ng magsalita ng wikang Filipino, Ingles at iba pa. Maituturing na pangalawang wika ang mga bagong wikang natutuhan niya.
Multilinggwalismo
Ang tawag naman sa patakarang pangwika na pinaiiral sa edukasyon ay Multilinggwalismo. Ang pagpapatupad ng Mother Tounge-Based Multilinggual Education (MTB- MLE) ay nangangahulugan na mula sa Grade1-3 ay gagamitin ang unang wika na ginagamit sa ispesipikong lugar upang maging midyum sa pagtuturo. Kung sa isang lugar ay maraming tagapagsalita ng Bisaya, sa una, ikalawa at ikatlong baitang , Bisaya ang gagamitin ng guro sa pagtuturo sa mga bata.