Gamit Ng Wika Ayon Kay Michael Halliday Flashcards
Instrumental
nangangahulugan ito na ginagamit ang wika upang ipaalam ang naibigan, pagpipilian, gusto, o kailangan. Ganito ang gamit ng wika sa paglutas ng problema, pangangalap ng materyales, role playing, at panghihikayat.
Halimbawa: Liham at Patalastas
Personal
nangangahulugan naman ito na ginagamit ang wika upang maipahayag ang pagiging indibiduwal o natatangi. Ganito ang gamit ng wika kapag isinasapubliko ang nararamdaman o ipinahahayag ang nasa isipan sa maraming tao.
Halimbawa: Talaarawan/Diary
Interaksyunal
ang wika ay ginagamit upang makipag-interaksiyon at magplano, bumuo o magpanatili ng laro, pangkatang gawain, o ugnayang sosyal. Ganito ang gamit ng wika sa structured play, usapan at talakayan, at sa pag-uusap nang pangkatan.
Halimbawa:
Pakikipagbiruan Pakikipagpalitan ng kuro-kuro
Regulatoryo
ang wika ay ginagamit naman sa pagkontrol. Ganito ang gamit ng wika sa pagbuo ng mga tuntunin sa laro, pagbibigay ng atas, at pagtuturo ng bagong kaalaman.
Halimbawa: Mga babala
Representatibo
nangangahulugan ito na ginagamit ang wika upang magpaliwanag. Ganito ang gamit ng wika sa pagpapahayag ng mensahe, paglalahad tungkol sa tunay na mundo, at paglalahad ng proposisyon.
Halimbawa: Talaan ng nilalaman at Pag-uulat
Heuristiko
ginagamit naman ang wika upang tumuklas ng mga bagay, magpakita ng alinlangan, o maghinuha. Ganito ang gamit ng wika sa pagpapalitan ng tanong at sagot, palagiang pagsubok (routines), at pananaliksik.
Halimbawa: Pangangalap ng balita