Katangian Ng Wika Flashcards
ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (fonema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita (morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.
Ang wika ay isang masistemang balangkas
Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita. (Tingnan ang ponolohiya)
Ang wika ay binubuo ng mga tunog.
Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng mga Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa] kapag nais tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles. Kung sakaling hindi naintindihan ng isang tao ang isang salita o pangungusap ng isang wika, nangangahulugan na hindi siya bahagi ng kasunduang pangkaunawaan. Ngunit kung pag-aaralan at matututunan niya ang wika, nangangahulugang sumasang-ayon siya sa kasunduan ukol sa naturang wika.
Langgam- Fil: nangangagat na insekto ; Langgam –Bisaya: ibon
Ang wika ay arbitraryo.
Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa ibang wika samantalang may katangian namang natatangi sa bawat wika.
Halimbawa
Wikang Filipino – Opo, po
Wikang Subanon – gmangga (mangga)
Wikang Ingles – girl/girls (batang babae/mga batang
Ang wika ay may kakanyahan.
Patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika. Nagbabagu-bago ang kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa leksikon ng wika.
Halimbawa: BOMBA
Kahulugan a. Pampasabog
b. Igiban ng tubig mula sa lupa
c. Kagamitan sa paglalagay ng hangin
d. Bansag sa malalaswa at mapanghalay na larawan at pelikula
e. Sikreto o baho ng mga kilalang tao
f. masamang hangin
Ang wika ay buhay o dinamiko.
Humihiram ang wika ng fonema at morfema mula sa ibang wika kaya’t ito’y patuloy na umuunlad. Gaya sa Chavacano, binibigkas na ang ‘ka’ na hiniram sa Visaya bilang kapalit ng ‘tu’ at ‘bo’. Ang Filipino ay madalas manghiram gaya ng paghiram sa mga salitang [jip, jus at edukasyon] na mula sa Ingles na [juice], [jip] at Kastilang [educaćion].
Lahat ng wika ay nanghihiram
Maraming salita na hindi maisalin sapagkat wala silang katumbas sa ibang wika. Dahil sa ganitong pagkakataon, napipilitang humiram ng salita mula sa isang wika sapagkat hindi komon ang salita sa kultura ng wikang patutunguhan. Halimbawa, walang katumbas ang /malong/ sa Tagalog sapagkat hindi bahagi ng kultura ng mga Tagalog ang salitang ito. Ang /lamaw/ naman ng Cebuano ay hindi rin matutumbasan sapagkat iba ang paraan ng paghahanda ng buko ng mga Cebuano sa iba pang komunidad sa bansa.
Ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi maaaring paghiwalayin.
Sa komunikasyon ng mga pipi, hindi wika ang kanilang ginagamit kundi mga kilos. Hindi wika ang kanilang midyum sapagkat hindi nito taglay ang katangian ng isang ganap na wika.
Ang wika ay bahagi ng karamihang anyo/uri ng komunikasyon.
Bawat tunog ay sinasagisag ng mga titik o letra ng alfabeto. Ang tunog na “bi” ay sinasagisag ng titik na ‘b’. Ang simbolong ‘m’ ay sumasagisag sa tunog na “em”
Nasusulat ang wika.
Nababatid sa tao ang antas ng wikang kanyang ginagamit sa pakipag-ugnayan niya sa kapwa
May level o antas ang wika.