Barayti Ng Wika Flashcards
Idyolek
Bawat individwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba sa bawat isa. Ito ay mga salitang namumukod tangi at yunik.
Mga Halimbawa:
“Magandang Gabi Bayan” ni Noli de Castro
“Hindi ka namin tatantanan” ni Mike Enriquez
Dayalek
Ito ay barayti ng wika na nalililkha ng dimensiyong heograpiko. Ito ang salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang kinabibilangan.
Mga halimbawa ng Dayalek: Tagalog: Anong pangalan mo? Kapampangan: Nanong lagyu mo? Ilokano: Anya ti nagan mo?
Sosyolek
Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng indibidwal.
Mga Halimbawa ng Sosyolek
•Repapips, ala na ako datung eh (Kumpare, wala na akong pera.)
•Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!)
•Wa facelak girlash
Etnolek
Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga etnolinggwistikong grupo. Taglay nito ang mga wikang naging bahagi nang pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko.
Mga Halimbawa ng Etnolek:
Vakuul – tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na
pantakip sa kanilang ulo tuwing panahon
ng tag-init at tag-ulan
Bulanim – salitang naglalarawan sa pagkahugis buo
ng buwan
Laylaydek Sika – salitang “iniirog kita” ng mga grupo
ng Kankanaey ng Mountain
Pidgin
Ito ay barayti ng wika na walang pormal na estraktura. Ito ay binansagang “nobody’s native language” ng mga dayuhan. Ginagamit ito ng dalawang taong nag-uusap na may dalawa ring magkaibang wika.
Mga Halimbawa ng Pigdin:
•Ako kita ganda babae. (Nakakita ako ng magandang babae.)
•Kayo bili alak akin. (Kayo na ang bumili ng alak para sa akin.)
Creole
Mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng partikular na lugar.
Mga Halimbawa ng Creole:
•Mi nombre – Ang pangalan ko
•Buenas dias – Magandang umaga
Mga barayti ng wika
- Creole
- Idyolek
- Dayalek
- Pidgin
- Sosyolek
- Etnolek
Jargon
Ito ay salitang teknical na hindi mafali maunawaan ng mga nakakarami.