Sitwasyon Ng Wika Flashcards
Tiongson (2012),
Ayon naman kay Tiongson (2012), bagama’t laganap na sa mass media , mapapansin pa rin na ang wikang Filipino’y madalas na ginagamit sa mga programa sa radyo at telebisyon, sa tabloid at sa pelikula kung saan ang nananaig na tono ay impormal at waring hindi gaanong istrikto ang pamantayan ng propesyonalismo. Sa maraming babasahin at palabas sa Filipino, ang tila nangingibabaw na layunin ay mang-aliw, manlibang at lumikha ng ugong o ingay ng kasayahan.
Fliptop
Ito’y pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap. Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang mga bersyong nira-rap ay magkakatugma bagama’t sa FlipTop ay hindi nakalahad o walang malinaw na paksang pinagtatalunan.
•Kung ano lang ang paksang sisimulan ng naunang kalahok ay siyang sasagutin ng kanyang katunggali. Di-tulad ng balagtasan na gumagamit ng pormal na wika sa pagtatalo, sa fliptop ay walang nasusulat na iskrip kaya karaniwang ang mga salitang ibinabato ay di pormal at maibibilang sa iba’t ibang barayti ng wika.
Pick-up Lines
ang pick-up lines ay makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas maiugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay. Sinasabing nagmula ito sa boladas ng mga binatang manliligaw na nagnanais magpapansin, magpakilig, magpangiti at magpa-ibig sa dalagang nililigawan.
Hugot Lines
ang hugot lines ay kaiba sa pick up lines na tinatawag ding love lines o love quotes. Ito ay isa pang patunay na ang wika nga ay malikhain. Hugot lines ang tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakikilig, nakatutuwa, cute, cheesy o minsa’y nakaiinis.
Hindi maitatatwang Filipino ang wika o lingua franca ng telebisyon, radyo, diyaryo at pelikula.
Maaaring sabihing ang pangunahing layunin ng mga ito sa paggamit ng Filipino bilang midyum ay upang makaakit nang mas maraming manonood, tagapakinig o mambabasang makauunawa at malilibang sa kanilang palabas, programa at babasahin upang kumita sila nang mas malaki.