Wika At Katangian Ng Wika Part 2 Bruh Flashcards
Ano ang wika?
Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura (Henry A. Gleason, mula sa Austero et al. 1999).
Bakit makabuluhan/mahalaga ang wika?
•Wika ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon;
•Wika ang ginagamit ito upang malinaw at epektibong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao;
•Wika ang sumasalamin sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan;
•Wika ang isang mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.
Ano ang mga katangian ng wika ayon kay Henry Allan Gleason?
Masistemang Balangkas
Arbitraryo
Kaakibat ng Kultura
Masistemang Balangkas
Ito ay nangangahulugang ang wika ay binubuo ng tunog na kapag pinagsama-sama ay makalilikha ng mga salita , at mga lupon ng mga salita ay makabubuo ng parirala, pangungusap at talata.
Arbitraryo
Ang wika ay pinagkakasunduan ng mga tao o pangkat ng mga tao, na gagamitin sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Kaakibat ng Kultura
Ang wika at kultura ay magkaugnay at hindi maaaring paghiwalayin. Ang kultura ang nagpapayaman sa wika, at ang wika naman ang nagbibigay katawagan o ngalan sa mga bagay sa isang kultura.
Homogenous na Wika
Ang isang komunidad o lugar o bansa ay may isang wika na sinasalita. Maaaring magkaroon ng varayti o diyalekto ang wika subalit nagkakaintindihan at nagkakaunawaan pa rin ang mga taong nabibilang sa komunidad na ito.
Heterogenous na Wika
Ito ay sitwasyong pangwika na nangangahulugang ang ginagamit na wika sa isang komunidad o bansa ay higit sa isa. Ang Pilipinas ay halimbawa ng isang sitwasyong pangwikang Heterogenous dahil hindi kukulanging may 180 ang umiiral na mga wika dito.