Gamit Ng Wika Ayon Kay Roman Jakobson Flashcards
Pagpapahayag ng damdamin (Emotive)
Ito ang pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin, at emosyon.
Halimbawa:
Pag-iyak
Pagpapakita ng galit
Pagkatuwa
Panghihikayat (Conative)
Ito ay ang tungkul ng wika upang makahimok at makaimpluwensiya ng ibang tao.
Halimbawa:
1. Dapat na tayo ay sumalampataya sa Diyos dahil nakita niyo naman ang delubyong hatid ng mga sakunang ating nararanasan ngayon.
2. Ang mga drug addicts ay salot sa lipunan kaya marapat na lamang sila ay alisin at patayin.
Paggamit bilang sanggunian (Referential)
Ipinakikita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon
Halimbawa:
“Ayon sa Google at Wikipedia…”
“Ayon sa aklat na sinulat ni Jose Rizal…”
Paggamit ng kuro-kuro (Metalingual)
Ginagamit ang wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng komentaryo sa isang kodigo o batas
Halimbawa:
Malinaw na isinasaad sa Batas Komonwelt Blg. 184 ang pagkakatatag ng Surian ng Wikang Pambansa na ngayon ay Komisyon ng Wikang Filipino
Patalinghaga (Poetic)
-Masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng sanaysay, prosa at iba pa.
Halimbawa:
Pagsulat ng tula, maikling kuwento, sanaysay at iba pa.
Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan(Phatic)
Ito ang tungkulin ng wika na ginagamit upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan.
Halimbawa:
Kamusta ka?
Magandang umaga po.
Saan ka galing?