Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon Flashcards
Aling bansa ang nanguna sa eksplorasyon sa Europa?
Portugal
Sino ang tinaguriang “Henry the Navigator”?
Prince Henry ng Portugal
Sino ang ama at ina ni Prince Henry the Navigator?
Haring John I ng Portugal at Reyna Philipa ng Lancaster (England)
Ano ang itinayo ni Prince Henry upang mapabuti ang eksplorasyon?
Paaralan ng nabigasyon
Anong mga propesyon ang tinuruan sa paaralan ng nabigasyon ni Prince Henry?
Kartograpo, imbentor, tagagawa ng barko, at kapitan
Anong lugar ang nalibot ni Prince Henry noong 1415?
Ceuta, Morocco
Anong kayamanan ng Africa ang natuklasan ng mga Portuges sa Ceuta?
Rekado, ginto, tanso, at hiyas
Anong bahagi ng Africa ang sinuportahan ni Prince Henry sa kalakalan?
Kanlurang Africa
Ano ang layunin ng Portugal sa paglalayag ni Bartolomeu Dias?
Marating ang Asya sa pamamagitan ng pagliko sa dulo ng Africa
Sino ang unang Europeo na nakarating sa dulo ng Africa?
Bartolomeu Dias
Anong lugar sa Africa ang narating ni Bartolomeu Dias?
Cape of Storm
Bakit hindi naipagpatuloy ni Bartolomeu Dias ang paglalayag patungong India?
Dahil sa kakulangan ng suplay
Anong bagong pangalan ang ibinigay sa Cape of Storm?
Cape of Good Hope
Bakit pinalitan ang pangalan ng Cape of Storm sa Cape of Good Hope?
Bilang tanda ng pag-asa ng Portugal na marating ang India