epekto ng isandaang taong digmaan Flashcards
Ang mahabang panahon ng digmaang ito ay naging dahilan ng
pagbabago sa pamahalaan ng England at France.
Sa England, kinailangan pa ng hari ang pagsang-ayon ng
parliyamento upang makapagtipon ng salapi para sa digmaan.
Sa France,
mas lalo namang lumakas ang kapangyarihan ng hari
Ang kanilang pakikipaglaban sa mga Ingles ay nagbunga ng
maayos na relasyon sa pagitan ng hari at maharlika o noble.
Bunga nito, natutuhang tanggapin ng mga noble ang hari bilang
pinunong absolut
Ang France ay naging isa sa
unang bansang estado sa Europa.
Ang bansang estado ay tumutukoy sa
nagsasarili o malayang teritoryo na pinamamahalaan para sa kaayusan ng pamayanan ng mga mamamayan.
Ang pag-unlad ng mga bansang- estado noong 1400s ang nagtakda sa
pagbagsak ng piyudalismo.