Repormasyong Katoliko o Kontra Repormasyon Flashcards
Ano ang Repormasyong Katoliko o Kontra Repormasyon?
Kilusan sa paglilinis ng Simbahang Katoliko bilang tugon sa Repormasyong Protestante noong ika-16 na siglo.
Ano ang layunin ng Kontra Repormasyon?
Paglilinis ng Simbahang Katoliko, pagtugon sa mga kritisismo ng mga Protestante, at pagpapatibay ng mga aral ng Katolisismo.
Ano ang layunin ng Council of Trent na tinawag noong 1545?
Mapagtibay ang pananalig sa Katolisismo, alisin ang mga pang-aabuso sa simbahan, at muling patunayan ang mga doktrina laban sa mga Protestante.
Ano ang “Index” na inilabas ng Simbahang Katoliko?
Listahan ng mga aklat na bawal basahin ng mga Katoliko upang maiwasan ang maling aral.
Ano ang ipinagbawal sa ilalim ng Kontra Repormasyon ukol sa indulhensiya?
Pinagbawal ang pagbebenta ng indulhensiya, isang kasanayang pinupuna ng mga Protestante.
Ano ang ginawa sa mga arsobispo sa ilalim ng Kontra Repormasyon?
Pinatira ang mga arsobispo sa mga lupaing kailangan nilang subaybayan at ipinairal ang mahigpit na disiplina sa mga kleriko.
Ano ang itinuring na “false teachings” ng Simbahang Katoliko sa panahon ng Kontra Repormasyon?
Isinumpa ng simbahan ang mga aral nina Luther, Calvin, at iba pang mga repormador.