Kolonya at Kalakalang Imperyo ng France sa America Flashcards
Sino ang Italyanong manggagalugad na nasa serbisyo ng France at natuklasan ang New York Bay?
Giovanni da Verrazzano (1524)
Anong bahagi ng Canada ang natuklasan ni Jacques Cartier?
St. Lawrence Gulf
Anong lungsod sa Canada ang ipinangalan ni Jacques Cartier?
Montreal (Mount Royal)
Sino ang kinikilalang “Ama ng New France”?
Samuel de Champlain (1608)
Ano ang mahalagang nagawa ni Samuel de Champlain?
Itinatag ang Quebec at pinalawak ang kolonya ng France sa North America.
Anong mga bahagi ng North America ang ginalugad nina Jacques Marquette at Louis Joliet noong 1673?
Great Lakes at Mississippi River
Sino ang Pranses na nag-angkin ng buong Mississippi River Valley?
Sieur de La Salle (1683)
Ano ang bagong pangalan ng Mississippi River Valley matapos ang pag-angkin ni Sieur de La Salle?
Louisiana (bilang parangal kay Louis XIV)
Ano ang tawag sa imperyo ng France sa North America?
New France
Anong mga rehiyon ang sakop ng New France noong 1700s?
Gitnang Kanluran ng U.S. at Canada
Bakit kakaunti ang populasyon sa New France kahit malawak ang sakop nito?
Dahil karamihan sa migrante ay mga pari (para sa pagpapalaganap ng relihiyon) at mga binata (para sa kalakalang fur).