Repormasyong Katoliko o Kontra Repormasyon 2 Flashcards
Ano ang ginawa ng Simbahang Katoliko upang palaganapin ang Katolisismo?
Nagtatag ng mga seminaryo at orden, tulad ng Society of Jesus (Jesuits), upang magsagawa ng misyonaryo sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Ano ang layunin ng Society of Jesus (Jesuits) na itinatag ni Ignatius Loyola?
Palaganapin ang Katolisismo sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kabilang ang Africa, Asya, at America.
Sino ang pinakatanyag na misyonero ng Kontra Repormasyon at ano ang kanyang nagawa?
Si Santo Francisco Xavier, na nagdala ng Katolisismo sa Japan, Silangang Asya, India, at iba pang mga lupain, at tinawag na “Apostle of Asia.”
Bakit itinuturing si Santo Francisco Xavier bilang “Apostle of Asia”?
Dahil sa kanyang malawak na misyon sa pagpapalaganap ng Katolisismo sa mga bansang Asyano tulad ng Japan at India.
Ano ang epekto ng Kontra Repormasyon sa Simbahang Katoliko?
Naging mas matatag ang Katolisismo, at napigilan ang paglaganap ng Protestantismo sa mga bahagi ng Europa, pati na rin sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Anong hakbang ang ginawa ng Simbahang Katoliko upang itaguyod ang disiplina sa mga kleriko?
Pinatupad ang mahigpit na regulasyon at mga panuntunan upang tiyakin ang moralidad at pagsunod sa mga doktrinang Katoliko.
Ano ang resulta ng mga hakbang na isinagawa ng Kontra Repormasyon sa mga Katoliko?
Ang mga hakbang ay nagresulta sa pagpapatibay ng pananalig ng mga Katoliko at pagbabalik-loob ng maraming miyembro sa Simbahang Katoliko.