Atlantic Slave Trade at Merkantilismo Flashcards
Ano ang pangunahing dahilan ng paggamit ng mga African bilang alipin sa America?
Dahil immune sila sa mga sakit ng mga Europeo, sanay sa mainit na klima, at may kasanayan sa mahirap na trabaho.
Ano ang pangunahing epekto ng pagdating ng mga Europeo sa populasyon ng katutubong Amerikano?
Malawakang pagkamatay dahil sa sakit tulad ng tigdas, bulutong, cholera, tipus, at tuberculosis.
Ano ang tinatawag na Triangular Trade?
Isang sistema ng kalakalan sa pagitan ng Africa, America, at Europe na nagpapalitan ng alipin, hilaw na materyales, at mga produkto.
Ano ang pangunahing produkto mula Europe na ipinapalit sa mga alipin sa Africa?
Armas, tela, at alak.
Ano ang tinatawag na Middle Passage?
Ang mapanganib at malupit na paglalakbay ng mga alipin mula Africa patungo sa America sa loob ng siksikang barko.
Bakit ipinagbibili ang ilang Africano bilang alipin sa Europe at America?
Bilang kaparusahan sa krimen, kabayaran sa utang, o bilang bihag ng ibang tribo.
Ano ang pangunahing layunin ng merkantilismo?
Palakasin ang yaman ng isang bansa sa pamamagitan ng pag-iipon ng ginto at pilak mula sa kalakalan at kolonya.
Paano nakatulong ang mga kolonya sa sistemang merkantilismo?
Nagbigay ng hilaw na materyales at nagsilbing pamilihan para sa mga produktong Europeo.
Ano ang pangunahing patakaran sa merkantilismo tungkol sa kalakalan?
Ang mga kolonya ay hindi pinapayagang makipagkalakalan sa ibang bansa maliban sa kanilang bansang sumakop sa kanila.
Ano ang pangunahing benepisyo ng merkantilismo para sa mga bansang Europeo?
Lumakas ang ekonomiya at lumawak ang kanilang kapangyarihan sa mundo.