Kolonisasyon ng Spain sa Latin America Flashcards
Anong mga pulo sa Caribbean ang sinakop ng Spain?
Haiti, Dominican Republic, Cuba, Jamaica, Puerto Rico
Sino ang conquistador na sumakop sa imperyong Aztec?
Hernando Cortes
Kailan sinakop ni Cortes ang imperyong Aztec?
1521
Ano ang kabisera ng imperyong Aztec na sinakop ng mga Espanyol?
Tenochtitlán
Saang bansa matatagpuan ngayon ang dating imperyong Aztec?
Mexico
Sino ang conquistador na sumakop sa imperyong Inca?
Francisco Pizarro
Kailan sinakop ni Pizarro ang imperyong Inca?
1532
Ano ang pangalan ng emperador ng Inca na dinukot ni Pizarro?
Atahualpa
Ano ang ginawa ng mga Espanyol kay Atahualpa matapos bayaran ng ginto at pilak?
Pinatay siya.
Ano ang kabisera ng imperyong Inca na nasakop ng Spain noong 1533?
Cuzco
Saang bansa matatagpuan ngayon ang dating imperyong Inca?
Peru
Anong iba pang sibilisasyon sa Latin America ang sinakop ng mga conquistador?
Ang mga Maya sa Yucatan at Guatemala
Ano ang naging lawak ng imperyo ng Spain sa Latin America noong kalagitnaan ng ika-16 na siglo?
Sakop nito ang Mexico, Central at South America, at Caribbean.