Unang fili 😤 Flashcards

1
Q

Sinabi ni: Ang pananaliksik ay isang SINING tulad din ng pagsulat ng isang komposisyon sa musika.

A

Ayon kay San Miguel (1986)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Sinabi ni: Ang pananaliksik ay isang MAINGAT, KRITIKAL, AT DISIPLINADONG INQUIRY sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klarifikasyon at/o resolusyon nito.

A

Good (1963)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Sinabi ni: Ang pananaliksik ay isang SISTEMATIKONG PAGHAHANAP sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.

A

Aquino (1974)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Sinabi ni: Ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o IMBESTIGASYON ng isang bagay sa layuning masagot ang mega katanungan ng isang mananaliksik.

A

Parel (1966)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Sinabi ni: Ang pananaliksik ay isang proseso
ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang siyentipikong pamamaraan.

A

Manuel at Medel (1976)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Sinabi ni: Ang pananaliksik ay isang MAKAAGHAM NA PAGSISIYASAT ng phenomena, ideya, konsepto, isyu at mga bagay na kinakailangang bigyang linaw, PATUNAY O PASUBALI

A

Galang

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Sinabi ni: Ang pananaliksik ay isang PAGTATANGKA upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng mga datos sa isang KONTROLADONG SITWASYON para sa layunin ng predikson at eksplinasyon

A

E. Trece at J. W. Trece (1973)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Sinabi ni: Ang pananaliksik ay SISTEMATIKO AT SIYENTIPIKONG PROSESO ng pangangalap, pagsusuri, paglilinaw, pag-oorganisa, pag-unawa at pagpapakahulugan ng isang datos na nangangailangan ng kalutasan sa suliranin. Ito rin ay isang ekspansyon sa limitadong kaalaman at pagpapakita rin ng UMUUNLAD ng buhay ng tao

A

Calderon at Gonzales (1993)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Sinabi ni: Ang pananaliksik ay ang matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol/sa isang bagay, konsepto, kagawian, problema, isyu o aspekto ng KULTURA AT LIPUNAN

A

Atienza (UP)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

Sinabi ni: Ang pagsasaliksik ay isang pandalubhasang sulatin na nangangailangan ng SAPAT NA PANAHON sa paghahanda, matiyaga at masinsinang pag-aaral, maingat, maayos at malayuning pagsulat para mayari at mapangyari tong maganda, mabisa at higit sa lahat, KAPANIPAKINABANG NA PAGPUPUNYAGI.

A

Arrogante (1992)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

Sa bahaging ito, inilalahad ang nais makamit sa pamamagitan ng pananaliksik. Ito ang tinutukoy na adhikaing nais patunayan, pabulaanan, mahimok, maiparanas o ipagagawa ng pananaliksik.

A

Layunin

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

Ito ay mga pangkalahatang layunin na malawak subalit nais makamtan nq mananaliksik. Ito ay paganaw sa mga layunin sa pangkahatang termino.

A

Layuning Pangkalahatan (General Objectives)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

Ito ay mga layuning tiyak at panandalian. Ang pangkalahatang layunin ay pinaghiwa-hiwalay sa mga maliit na bahagi na may koneksyon nang lohikal upang makabuo nito

A

Tiyak na Layunin (Specific Objectives)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
14
Q

Halimbawa ng tiyak o pangkalahatan?

a. Upang masuri ang mga epekto ng kahirapan sa edukasyon sa…

b. Ang Epekto ng Kahirapan sa Edukasyon sa mga Piling Lugar sa Pilipinas.

c. Upang matukoy ang pagkalat ng kahirapan sa mga..

A
  1. Tiyak na Layunin
  2. Layuning Pangkalahatan
  3. Tiyak
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
15
Q

Wika ni: “The purpose of research is to serve man where the goal of the research is the good life.”

A

Good at Scates (1972)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
16
Q

‘Ayon kina _______(1993) mayroong mga tiyak na layunin ang pananaliksik.

A

Calderon at Gonzales

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
17
Q

Mga Layunin ng Pananaliksik

A

(1) Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang penomena
(2) Makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap nanalulutas
ng mga umiiral na metodo at impormasyon.
(3) Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrumento o produkto.
(4) Makatuklas ng bagong sabstans o elemento (komposisyon o kabuol ng isang bagay.
(5) Makalikha ng mga batayan ng paspapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan, at iba pang larangan.
(6) Matugunan ang kuryosidad, interes at pagtatangka ng isang mananaliksik.
(7) Madagdagan, mapalawak at mapatunayan ang mga kasalukuyang kaalaman
(8) Mapaunlad ang sariling kamalayan sa paligid

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
18
Q

Ayon kina ______(1997),
may iba’t ibang gamit ang pananaliksik

A

Constantino & Zapra

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
19
Q

Gamit ng Pananaliksik.
* Karaniwang ginagawa ito ng ORDINARYONG INDIBIDWAL sa kanyang PANG-ARAW-ARAW na buhay. Kailangan mong gumawa ng
pagpapatunay, paglilinaw, pagpapatibay, pagpapasubali o pagdaragdag
ng kaalaman upang matiyak mo ang tunay na dahilan.

A

I. Pang-araw-araw na gawain

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
20
Q

Iba’t ibang gamit ng Pananaliksik

A

I. Pang-araw-araw na gawain

II. Akademikong Gawain

III. Kalakal o Bisnes

IV. Iba’t ibang Institusyong Panggobyerno

V. Institusyong Pribado at Di-gobyerno

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
21
Q

Gamit ng Pananaliksik.
* Pinag-aaralan ang paggawa ng pananaliksik kaya inaakala ng mar,
na sa akademya lamang nauukol ito.
* Ang sinulat na resulta ng pananaliksik ay tinatawag na sulatin
pananaliksik o panahunang papel (TERM PAPER) kung hindi pa magtatapos ang estudyante.

A
  1. Akademikong Gawain
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
22
Q

Isang uri ng papel-pampananaliksik na karaniwang ipinagagawa sa mga estudyante sa kolehiyo bilang isa sa mga pangangailangan sa isang larangang akademiko. Ito ay kadalasang kulminasyon ng mga pasulat na Gawain kaugnay ng pag-aaral ng isang paksa. Tinatawag din itong term paper.

A

Pamanahong Papel

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
23
Q

Isang dokumentong ipinasa bilang suporta sa kandidatura para sa isang akademikong antas o propesizonal na kwalipikasyon na nagpapakita ng nasa at natuklasan ng manunulat.

A

tesis o disertasyon

24
Q

Gamit ng Pananaliksik.
* Upang malaman ang potensyal sa market at tubo at sa ikatatagumpay ng bisnes na pinasok
* Titingnan dito ang mamimili, lugar, uring produktong ipinagbibili at iba pa.
* Maiiwasan ang sobra o walang kabuluhang paggasta, pagkalugi at pagsasayang ng oras at pagod.

A
  1. Kalakal o Bisnes
25
Q

Gamit ng Pananaliksik.
* Para sa serbisyong panlipunan, ang mga opisina o institusyon panggobyerno ay nagsasagawa ng pananaliksik para sa kani- ka

A
  1. Iba’t bang Institusyong Panggobyerno
26
Q

Gamit ng Pananaliksik.
* Dumarami ang pribadong institusyon, mga nagsasagawa ng mga pag-aaral sa kapaligiran, etnikong grupo, kababaihan, at iba pa.
* Ang nagsasagawa ng mga pag-aaral na ito ay nagsisilbing suporta sa tulong sa gobyerno at mamamayan.

A
  1. Institusvong Pribado at Di-gobyerno
27
Q

Etika. Maging matapat sa pag-uulat ng resulta ng mga datos o kinalabasan ng pananaliksik, metodo, pamamaraang, maging sa paglalathala, kailangang matapat ang isang mananaliksik.

A
  1. Katapatan
28
Q

Etika. Tignan ang gawaing pananaliksik nang may pagpapahalaga sa katotohanan batay sa mga nakalap na datos. Ang pagiging ——— ay hindi pagingin sa mga pansariling pananaw at emosyon. Ito ay mahalaga sapagkat maari itong magbunga ng kawastuhan.

A
  1. Obhektibo
29
Q

Etika. Ang paggawa ng pananliksik ay may kaisipang [tumulong sa kapwa tao], paggalugad ng katotohanan, at pagsagot sa mga katanungan upang maintindihan ang karunungang nais malaman.

A
  1. May Integridad
30
Q

Etika. Ang pagiging masinop sa mga tala o records a gagamitin sa iyong pananaliksik, halimbawa ay ang pagtatago ng mga datos, disenyo ng pananaliksik at maging ang mga liham na ginamit para sa komunikasyon ay makakatulong sa isang mananaliksik upang maging kumpleto ang kanyang pagsasaliksik. Ang mga tala na ito ay mahalagang salik sa pagkakabuo ng panana

A
  1. Pagiging Maingat
31
Q

Etika. Kailangan maging bukas ang mananaliksik sa pagbabahagi ng mga datos, resulta, ideya kagamitan o batis na pinagmulan ng kanyang mga nasaliksik. Dahil dito, makikita na ang mananaliksik ay hindi nagtatago ng kahit anupamang bagay. Subalit, sa pagbubukas ng mga ito, kailangan maging handa ang mananaliksik sa mga kritisismo at bagong idea na magpapayabong ng kanyang isinaliksik.

A
  1. Pagiging Bukas o Openness
32
Q

Etika. Karapat-dapat lamang na bigyang respeto ang unang nakaisip ng ideya, disenyo, pamamaraan o metodo ng pananaliksik na ginamit sa papel. Ito ay magsisilbing batis na pinagmulan ng mga idea. Kapag ito ay hindi nasunod, maaring makasuhan ang nagnakaw ng ideya.

A
  1. Paggalang sa Intelektuwal na Kakanyahan o Intellectual Property
33
Q

Etika. Ito ay ang proteksyon sa mga pinagkukunan ng mga datos, batis ng mga sanggunian, mga liham na pangkomunikasyon na ginamit, mga tala o records, at mga impormasyon ng mga indibidwal na nakalap sa iba’t ibang institusyon lalong lalo na sa mga respondente. Kailangan na ang mga ito ay maprotektahan sapagkat nakaakibat dito ang mga impormasyong mahahalaga. Ito rin ay nakaakibat sa Data Privacy Act ng 2012.

A
  1. Kompidensiyalidad
34
Q

Etika. Ginagamit ang pananaliksik para isulong ang higit na kabutihan para sa lahat na magbubunga ng pagbabagong makabuluhan, at upang makatulong sa kapwa at sa buong lipunan.

A
  1. May Gampaning Sosyal
35
Q

Etika. Ang pananaliksik ay hindi ginagawa upang magbunga ng diskriminasyon sa kapwa. Kailangang ituring na magkakapantay pantay ang mga tao.

A
  1. Huwag Magdiskrimina
36
Q

Etika. Isa sa mga etikang kailangan taglayin ng isang mananaliksik ay ang pagpapanatili ng pagiging propesyonal at pagpapakita ng kagalingan sa pamamagitan n patuloy a pag-aaral. Dahil hindi natatapos ang gawain ng isang mananaliksik sa oras na ang kanyang gawa ay malathala na, kailangan pa din na taglayin ng isang mananaliksik ang pagiging propesyonal nito.

A
  1. May Kagalingan at Pagiging Propesyonal
37
Q

Etika. Hindi lamang dapat mga datos ang pinoprotektahan ng isang mananaliksik, kailangan din niyang bigyang halaga ang pagbibigay proteksyon sa damdamin at kaisipan ng mga taong kabilang sa pananaliksik. Kasama na rin dito ay ang kalagayang panlipunan. Dapat din itong bigyan ng pansin upang maiwasang makasakit sa pagkatao ng iba.

A
  1. Bigyang Proteksyon ang Pagkatao.
38
Q

Etika. Kinakailangang masigasig na makakuha ng impormasyon ang isang mananaliksik. Subalit, parte nito ay ang paagiging marespeto at handang magtanong kaugnay ng paksang nais saliksikin. Ito ay pagpapakita rin ng pagiging mapanuri sa isang bagay lalo’t higit ang mga paksang nais hanapin at pag-aralan.

A
  1. Maging Mapanuri
39
Q

Etika. Ang isang mananaliksik ay lagi nang may pag-aagam-agam sa kinalabasan ng kanyang pagsusuri at pagsisiyasat. Hindi dahil sa wala siyang tiwala sa kanyang ginawa, subalit ito ay pagbibigay pa ng oprtunidad para sa may malalim na mga pananaliksik.

A
  1. Pamumunang Mapagbuo
    (constructive criticism)
40
Q

Tumutukoy sa sistematiko at empirikal na imbestigasyon ng iba’t ibang paksa at penomenong panlipunan sa pamamagitan ng matematikal, estadistikal, at mga teknik na pamamaraan na gumagamit ng kompyutasyon.

A

Kuwantitatibo

41
Q

Kinapapalooban ng mga uri na pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang pag- uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan a gumagabay rito. Ang disenyong ito ay pinapatnubayan ng paniniwalang ang pag-uugali ng tao ay laging nakabatay sa mas malawak a kontekstong pinangyayarihan nito at ang mga panipunang reyalidad gaya ng kultura, institusyon, at ugnayang pantao na hindi maaaring mabilang o masukat.

A

Kuwalitatibo

42
Q

Pinag-aaralan sa mga palarawang pananaliksik ang pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan at kalagayan. Nagbibigay ito ng tugon sa mga tanong na sino, ano, kailan, saan at paano na may kinalaman sa paksa ng pag-aaral. Hindi ito makatutugon sa mga tanong na “BAKIT” sapagkat naglalarawan lamang ito ng tiyak at kasalukuyang kondison ng pangyayari at hindi ng nakalipas o hinaharap.

Kadalasang nagging tuntungan ng iba pang disenyo ng pag-aaral ito. Maaari din itong pagsimulan ng mas detalyado at malalimang pag-aaral.
Mayaman din ang datos na nakukuha rito upang maging batayan ng mga rekomendasyon para sa malakihang populasyon.

A

Deskriptibo

43
Q

Uri ng Pananaliksik.
•Persepsiyon ng mga mag-aaral sa Divorce Bill
•Antas ng paggamit ng apat na core values ng UST ng mga guro sa kanilang pagtuturo.

A

Deskriptibo

44
Q

Kaiba sa deskriptibong pananaliksik, inilalarawan at tinatasa ng isang mananaliksik ang isang tiyak na kalagayan, pamamaraan, modelo, polisiya at iba pa sa layuning palitan ito ng MAS EPEKTIBONG pamamaraan. Habang isinasagawa ang pananaliksik ay bumubuo rin ng mga plano at estratehiya ang mananaliksik kung paanong ebalwason kung nakakamit ba o hindi ang ideal na awtput. Angkop ito sa larangan ng edukasyon upang mapabuti ang mga programa o pamamaraan sa pagtuturo. Makabuluhan ito upang PAGHUSAYIN pa ang nakasanayang praktika at baguhin kung may kahinaan o pagkukulang.

A

Disenyong Action Research

45
Q

•Tunay nga bang epektibo ang modelong Outcome-Based Education (OBE) sa lalong pagkatuto ng mga mag-aaral ng Arkitektura?
•Anong estratehiya sa pagtuturo ang pinaka-epektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral na may suliranin sa pandinig

A

Action Research

46
Q

Gumagamit ng iba’t-ibang pamamaraan ng pangangalap ng datos upang makabuo ng ma kongklusyon hinggil sa NAKARAAN. Batay sa mga datos at ebidensya, pinalalim ang pag- unawa sa nakaraan, kung paano at bakit nangyari ang ma bagay-bagay, at ang pinagdaanang proseso kung paanong ang nakaraan ay naging kasalukuyan. Mabuting gamitin ang historikal na disenyo upang maglatag ng konstekto ng isang tiyak na bagay o pangyayari. Nagagamit din ito sa pagsusuri ng kalakaran o trend analysis.

A

Historikal

47
Q

Halimbawa ng aling Uri ng pananaliksik?
• Pag-unlad ng General Education Curriculum (GEC) sa Kolehiyo
•Pag-unlad ng Wikang Pambansa ng Pilipinas

A

Historikal

48
Q

Ang mga pananaliksik na nasa ganitong disenyo ay naglalayong malalimang unawain ang isang partikular na kaso kaysa magbigay ng pangkalahatang kongklusyon sa iba’t- ibang paksa ng pag-aaral. Ginagamit ito upang paliitin, maging ESPISIPIKO, o kaya’y pumili lamang ng isang tiyak na halimbawa mula sa isang napakalawak na paksa. Mahusay ang disenyong ito upang ipaunawa ang isang masalimuot na paksa sa pamamagitan ng detalyadong pagsusuri ng
konteksto ng mga pangyayari at ugnayan ng mga ito. Hindi lamang limitado sa pag-aaral ng indibidwal ang uri ng pananaliksik na ito, kundi maaari ding maging pokus ang mga komunidad, institusyon at organisasyon.

A

Pag-aaral ng Isang Kaso/Karanasan (Case Study).

49
Q

Halimbawa ng aling uri ng Pananaliksik?

• Antropolohikal na Pag-aaral ng Iglesia Watawat ng Lahi ni Prospero Covar (1978)
•Kaso ng isang doktor na piniling maging caregiver sa Estados Unidos
•Kahirapan sa Pagkatuto ng Ikalawang Wika: Kaso ng Ilang Mag-aaral ng UST na may Dalawang Pagkamamamayan

A

Aral Kaso

50
Q

Uri ng Pananaliksik. Naglalayong MAGHAMBING ng anomang konsepto, kultura, bagay, pangyayari at iba pa. Madalas na gamitin sa mga cross-national na pag-aaral ang ganitong uri ng disenyo upang mailatag ang mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng mga lipunan, kultura at institusyon.

A

Komparatibong Pananaliksik

51
Q

Halimbawa ng aling uri ng pananaliksik?
• Komparatibong pagsusuri ng mga panitikang pambata ng mga Tagalog at Bisaya
• Komparatibong pagsusuri ng mga editorial cartoon ng Philippine Star at Philippine Daily Inquirer sa pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas

A

Komparatibong Pananaliksik

52
Q

Madalas itong inihahanay sa deskriptibong uri ng pananaliksik dahil naglalayon itong maglarawan ng anomang paksa. Gayunpaman, naiiba ang disenyong ito sapagkat hindi lamang simpleng deskripsyon ang layunin nito, kundi NAGBIBIGAY-DIIN sa pagpapabuti o pagpapaunlad ng populasyong pinag-aaralan batay sa mga tanggap na modelo o pamantayan. Madalas a bahagi ng rekomendason g ganitong pananaliksik ang proyekto o pagpaplano upang makasapat o makasunod sa hinihinging batayan ng sinomang kalahok sa pananaliksik.

A

Pamamaraang Nakabatay sa Pamantayan (Normative Studies)

53
Q

Halimbawa ng aling uri ng pananaliksik?
•Pagsusuri sa Kakayahan sa Matematika ng mga Mag-aaral ng Magsaysay High School Batay sa Itinakdang Kompetensing DepEd.
• Bumababang kakayahan ng mga guro sa Ingles sa pagsasalita at pagtuturo ng wikang Ingles

A

Normative Studies

54
Q

Isang uri ng pananaliksik sa agham panlipunan na nag-limbestiga sa kaugalian, pamumuhay at iba’t- ibang gawi ng isang komunidad sa pamamagitan ng PAKIKISALAMUHA rito. Nangangailangan ito ng matapat na pag-uulat ng naranasan o naobserbahan ng isang mananaliksik. Nangangailangan ito ng field study na isang pamamaraan ng pagtatala ng mga datos at pangyayari sa pamamagitan ng mga pandama (pagmamasid, pang-amoy, pandinig, o panlasa). Binibigyang- din sa obserbasyon ang lunan o setting (para sa konteksto), mga gawain at kilos ng mga kasangkot, impormal na interaksiyon, hindi nakaplanong gawain, berbal at di-berbal na komunikason at iba’t-ibang proseso.

A

Etnograpikong Pag-aaral.

55
Q

Halimbawa ng aling uri ng pananaliksik?
• Pagpapakahulugan kay Rizal ng mga Milinaryong Kilusan sa Banahaw

A

Etnograpikong Pagaaral

56
Q

Isinasagawa kung WALA pang gaanong pag-aaral na naisagawa tungkol sa isang paksa o suliranin. Ang pokus nito ay upang magkaroon pa ng mas malawak na kaalaman sa isang paksa na maaaring magbigay daan sa mas malawak at komprehensibong pananaliksik. Layunin nitong makapaglatag ng mga BAGONG IDEYA at palagay o kaya ay makabuo ng mga tentatibong teorya o haypotesis tungo sa mas malalim na pagkaunawa sa paksa.

A

Disenyong Eksploratori

57
Q

Halimbawa ng aling uri ng pananaliksik?
• Panimulang Pag-unawa sa Masaker sa Mamasapano Kaugnay ng Usapang
Pangkapayapaan sa Mindanao

A

Disenyong Exploratori