Tungkulin ng Wika Flashcards
Nakatuon sa paghahatid ng impormasyon. Tinatawag din itong eksposisyon. Ang pokus nito ay ang mensahe. (Brown at Yule, 1983)
Tungkuling Transaksyunal
Nakatuon sa mga tagapakinig ng taong kausap sa halip ng mismong pagpapalitan ng impormasyon. Layunin ng ganitong palitan ang pagpapanatili ng magandang ugnayang panlipunan (social relationship) sa pagitan ng mga taong sangkot. (Brown at Yule, 1983)
Tungkuling Interaksyunal
Ito ay tungkuling denotatibo at kognitibo na nakatuon sa konteksto na salik ng komunikasyon. (Jokobson)
Tungkuling Reperensyal
Ito ang ekspresibong tungkulin ng wika. Nakapokus ito sa mismong nagsasalita at sa kaniyang pagnanais na makapagpahayag, Kasali rin ang pagsambit ng mga ekspresyon tulad ng pagkagulat, pagkabagot, at iba pa. (Jokobson)
Tungkuling Emotive
Kinakasangkapan upang mapakilos ang tao ayon sa ating kagustuhan. (Jokobson)
Tungkuling Conative
Nakatuon sa pagtiyak na ang ating kausap ay nariyan pa. Kabilang dito ang mga panlipunang pormularyo tulad ng pagbati, pagtanong sa kausap kung siya ba’y nakikinig pa at iba pang pagtatanong na nakakatulong sa pagpapadaloy ng komunikasyon. (Jokobson)
Tungkuling Phatic.
Sa tungkuling ito, ginagamit ang wika upang tukuyin ang wika. (Jokobson)
Tungkuling Metalinggwal
Nakatuon ito sa paraan ng pagpili ng mga salita upang ihayag ang mensahe. (Jokobson)
Tungkuling Poetic
Gamit ng wika upang maisakatuparan ang isang pangangailangan ng ispiker. (Halliday)
Instrumental
Gamit ng wika upang maimpluwensyahan ang kilos ng isang tao. (Halliday)
Regulatori
Tumutukoy sa pagpapa-unlad ng mga ugnayang panlipunan at nagpapatibay ng daloy ng komunikasyon.
Interaksyunal
Pagpapahayag ng personal na preperensya o aydentidad ng ispiker.
Personal
Tumutukoy sa paggalugad ng imahinasyon ng isang tao. Ito ay tumutukoy sa malikhaing paggamit ng wika tulad ng mga akdang pampanitikan.
Imahinatibo
Gamit ng wika na nagpapahayag ng impormasyon
Representasyonal
Gamit ng wika upang mangalap at matuto mula sa kapaligiran.
Heuristik