Proseso ng Komunikasyon Flashcards
Ito ang kaisipan na iparating ng sender sa Tagatanggap.
Mensahe
Ito ang daluyan ng mensahe o kung paano tayo makipagtalastasan.
Tsanel
Ito ang sagot o tugon ng tagatanggap sa mensahe ng sender.
Tugon
Nagkakaroon nito kung merong mga salita na
hindi naiintindihan ng iyong kausap
o di kaya ang gumagamit ito ng
malalalim na mga salita.
Sagabal sa Wika
Ito ay tungkol sa pisikal na distansyang nasa pagitan ng dalawang nag-uusap. Kasama na rin dito ang ingay sa paligid.
Pisikal na Sagabal
Maaaring sa panahon nanangyayari ang komunikasyon
ay mayroong bumabagabag sa tagatanggap ng mensahe na kung saan ay nagkakaron ng ibang pagpapakahulugan ang mensahe na sa mismong konteksto nito.
Sikolohikal na Sagabal
Ito ang sagabal na tungkol sa kalagayang pisikal ng sangkot sa proseso. Tulad nalang ng pagkabulol ng nagsasalita o di kaya merong kahinaan sa
pandinig ang iyong kausap.
Pisyolohikal na Sagabal
Ito ang sagabal na kailangan sundin ang herarkiya ng
pakikipag-usap. Kadalasan ito nangyayari kung ikaw ay nagsusumbong.
Sistimatik na Sagabal
Natutungkol ito mismo sa paguugali ng may sangkot sa proseso ng komunikasyon. Maaaring ayaw mo sa taong nagsasalita o ayaw mo sa paksang inyong kinakausap.
Atityudinal na Sagabal