Barayti ng Wika Flashcards
Tumutukoy sa isang tiyak na set ng linggwistik aytem o human speech pattern tulad ng tunog, salita, katangian panggramatika na maaaring maiugnay sa ilang mga eksternal na salik, tulad ng heograpiya o pangkat panlipunan. (Hudson at Ferguson, 2006)
Barayti ng Wika
Ito ang nagbibigay daan sa pagpapaliwanag tungkol sa pagkakaroon ng baryasyon ng isang wika. Ayon dito, ang wika ay panlipunan at ang speech ay pang
indibidwal.
Teoryang Sosyolinggwistiks
Ang wikang rehiyonal, isang tiyak na anyo o barayti ng isang wika na ginagamit ng isang partikular
na lugar.
Dayalek
Ito ay isang barayti ng wika na karaniwang
iniuugnay sa lipunang kinabibilangan ng ispiker, sa halip na sa kaniyang kaligirang heograpikal (Trudgill,
2010). Sa madaling sabi, ito ay isang wika na sinasalita ng isang particular na pangkat ng lipunan na nauuri
ayon sa kasarian, edad, trabaho, at iba pang salik (Lewandowski, 2010)
Sosyolek
Ito ang kahalagahan ng gamit ng sosyolek sa mga propesyunal na gawain ng pangkat.
Professionalism
Ito ang kakayahan ng sosyolek na maitago ang mensahe at mailimita ang kaalaman ukol dito sa mga ispiker na kasapi ng linggwistikong komunidad.
Secrecy
Tumutukoy sa pamamaraan upang maihayag ang mga atityud o paguugali sa pamamagitan ng mga ekstra-berbal o lingwistikong realidad.
Expressiveness
Ito ay maaaring wika ng mga bakla, conyo, wika ng mga tsuper, guro o tomboy, hanggang kabilang sila ng isang pangkat.
Sosyolek
Ito ay isang teknikal na termino na tumutukoy sa barayti ng wikang sinasalita ng isang indibidwal na ispiker ng kaniyang lenggwahe
Idyolek
Ito naman ang wika na karaniwang nabubuo at sinasalita sa loob ng bahay. Karaniwan itong nabubuo
kung matagal na nagkakasama ang isang pangkat sa iisang tirahan.
Ekolek
Ginagamit naman ito ng mga taong kabilang sa isang etnolingwistikong pangkat o pangkat kultural. Ang
paraan ng pakikipag-interaksyon ng mga taong nabibilang sa isang pangkat etniko ang siyang humuhubog sa kanilang paggamit sa wika.
Etnolek
Ito ang wikang walang pormal na estruktura at nabubuo lamang dahil sa pangangailangan ng mga
tagapagsalita. Tinatawag din itong “nobody’s native language” dahil karaniwan itong nabubuo sa tuwing may dalawang taong may magkaibang wika at walang iisang wika na kapwa nauunawaan, kaya’t nagsisikap na makagpag-usap sa pamamagitan ng pagsasama ng dalawang wika
Pidgin
Ito ay isang Pigdin na naging “nativity” na kalaunan ay nagkakaroon ng pagpapalawak sa leksikon at
gramatika at higit na pinapalawak ang kontekstong pinaggagamitan nito.
Creole