FINALS | LARANGANG PANGMIDYA Flashcards
Ang komunikasyon ng mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang bansana nakatutulong sa pagbibigay-kaalaman sa mga mamamayan
Ang balita
Laging tandaan na mayroong dalawang panig na sangkot sa anomang usapin kung kaya’t maging pantay at iwasan ang mga salitang mayroong dalawang pagpapakahulugan.
Balanse at walang pagkiling
Ang pagbabalita ay may layong makapagbigay ng karagdagang impormasyon sa mambabasa o tagapakinig. Kailangang maisagawa ito sa maikli ngunit malaman na paraanat kompleto sa mahahalagang impormasyon.
Kalinawan
Mahalagang maitala sa balita ang tiyak na pinaghanguan ng impormasyon. Kung maaari, bukod sa pangalan ay ilakip ang katungkulan dahil nakatutulong ito upang magkaroon ng timbang ang balita.
Atribusyon
Mahalaga na naitala ang impormasyon sa isang paraang maikli ngunit malaman at mapagkakatiwalaan.
Kaiklian
Tiyakin na nakuha ang lahat ng tamang detalye ng balita, mula sa ngalan ng mga taong sangkot, petsa ng pagkakaganap, pook, at lahat ng mga detalye na makakatulong sa mambabasa o tagapakinig na maunawaan ang buong balita.
Kawastuhan
Ito ay isang oneway wireless transmission sa pamamagitan ng radio wavesna naglalayong maabot ang mga tagapakinig.
Ang pamamahayag sa radyo
Sino ang kinikilalang “Ama ng pamamahayag”?
Francisco “koko” Trinidad
Ito ang kilalang organisasyon na siyang nangangasiwa sa regulasyon ng mga istasyon sa buong bansa.
Ang Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP)
Mahalagang ______ ang pagbigkas ng salita at ______ upang maunawaan ng tagapakinig.
wasto at malinaw
Ang _______ ng balitang ihahayag ang siyang bubuo ng kaniyang kredibilidad na isang mahalagang katangian na nararapat na taglayin ng isang mamamahayag sa radyo upang siyaý mamamahayag sa radyo upang siyaý pakinggan at paniwalaan.
kawastuhan
Ang ______ ay maaaring maituring na isang impluwensya sa behikulo sa paghatid ng impormasyon. Nakakatulong ito sa pagpapalaganap ng wika lalo pa at wikang Filipino ang wikang ginagamit ng halos lahat ng mga palabas sa _______ maging ng mga patalastas
telebisyon
Ang ________ ay mga kasangkapang computer-mediated na nagpapahintulot sa mga taong lumikha, magbahagi at makipagpalitan ng mga impormasyon, ideya at larawan o video sa mga virtual communities o networks.
Social Media
Tinatawag din ito na ang love lines o love quotes
Hugot lines
Pagtatalong oral na isinasagawa sa paraang pa-rap. Karaniwangmapanglait na salita ang ginagamit para makapuntos. Nahahawig ito sa balagtasan.
Fliptop