Ano ang Wika? Flashcards
Pinaniniwalaan ng maraming pangkat na mga tao na ang wika ay kaloob ng mga diyos. Makikita din ito sa Bibliya sa bahaging Torre ni Babel na kung saan ang lahat ng tao ay nagkakaintindihan kaya napag-isipan nila na gumawa ng torre para lamangan ang Panginoon, nangnalaman ng Diyos ito, pinarusahan niya ang mga tao at binigyan niya ito ng iba’t ibang wika para hindi magkaintindihan.
Divine Creation
Nangangahulugan na dumating sa punto ng tao na
nagkakaroon ng sopistikadong pag-iisip kaya ito ang naging daan upang makabuo ng wika o language
acquisition device na isang kasangkapan upang makabuo o makalikha at matuto ng wika.
Likas na Ebolusyon
Ito ay isang sistema ng komunikasyon, isang kasangkapan ng kaisipan, isang pamamaraanng pagpapahayag ng sarili, isang panlipunang institusyon, hanguan ng pagpapahalagang katutuboat kontrobersiyang political (O’Grady at Archibald, 2001).
Wika
Ito ay masistemang balangkas, sinasalitang tunog pinipili at isinasaayos, arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. (Gleason)
Wika
Ang discrete combinatorial na sistemang karaniwang ginagamit ng mga tao para sa
komunikasyon. Ito ay ang kakayahan ng isang tao upang pagsama-samahin ang maliliit na bahagi
sa isang espesipikong kumbinasyon na nakabubuo ng malawak na kaisipan o bahagi ng wika.
Wika
Ang bawat wika ay may tuntunin o mayroong
sistemang sinusunod sa paggamit ng wika. Isang tiyak na halimbawa ay ang pagbuo ng
pangungusap. (Gleason)
Ang wika ay Masistemang Balangkas
Ang katangiang ito ay nagpapakita na ang wika ay “tunog”. Tunog na kumakatawan sa ating mga ipinahahayag na ideya. Nililikha ang tunog sa
pamamagitan ng vocal chords ng pagsasalita. (Gleason)
Ang wika ay Sinasalitang Tunog
“Sa tuwing tayo ay nakikipag-usap pinipili natin ang
wastong salita para sa ating pangungusap para maiwasan ang pagkalito.” Anong katangian ito? (Gleason)
Ang wika ay Pinipili at Isinasaayos
Sinasabing ang wika ay napagkasunduan at sinang-ayunan ng lahat. Ito ay isang katangian ng wika na masasabing napakahalaga. (Gleason)
Ang wika ay Arbitraryo
Isa ito sa pinakamahalagang katangian ng wika, na kung saan dapat nating gamitin ang wika para hindi mawala o mabura. (Gleason)
Ang wika ay Ginagamit
Kung ano ang wika, yan din ang kultura. Dahil ang wika at kultura ay hindi maipaghihiwalay. (Gleason)
Ang wika ay kultura
Ang wika ay nagbabago dahil sa taong gumagamit nito. Ang pagbabagong ito ay dulot na rin ng mga bagong salita na ating nagagawa at mga salita na nakuha natin dahil sa pakikisalamuha sa mga dayuhan.
Ang wika ay Dinamiko
Bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang paraan ng pag-iisip. Tulad nalang ng pag-iisip ng mga lalaki na kung saan ay sa tuwing meron silang makikitang kapwa lalake na pareho ng kanilang damit ay okay lang para sa kanila ngunit kung sa babae ito
mangyayari ay naiilang sila o kaya naiinis.
Ang wika ay Komplekado
Kahit sa pagising mo ay gagamit kana ng wika, hanggang sa pagtulog mo ay nag-iisip ka kung ano naman ang mangyayari kinabukasan.
Ang wika ay Hindi Maiiwasan
Tanging tao lamang ang gumagamit ng wika.
Ang wika ay Pantao