FINALS | KONSEPTONG PAPEL Flashcards
Ang ________ ay tumatalakay sa kung ano ang paksa ng isang pananaliksik. Sa bahaging ito ng pananaliksik dapat malaman na ng mga mambabasa kung bakit mahalaga ang pananaliksik na isinagawa.
Paksa
Ang ____________ ay isang pagpapaliwanag ng nais makita at matuklasan sa isang pananaliksik. Maaaring maisagawa ito sa paisa-isang pangungusap o sa patalatang pamamaraan.
Layunin
Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagsasagawa ng mananaliksik ng pananaliksik na gagamitin sa pagbuo ng sulatin. Kalakip sa talakayang ito ang pamamaraan ng pangangalap ng datos
Pamamaraan/Metodolohiya
Ang ___________ ay natutungkol sa mga natuklasan sa pananaliksik at dapat na tumutugma sa layunin ng pag-aaral.
Kongklusyon
Sa _______ inilalahad ang buod ng ginawang pananaliksik
Lagom
Ito ay isang prosesong nakapaloob sa lohikal na pamamaraan. Ito ay isang tiyak na proseso ng pangangalap at pag-unawa sa nakalap na impormasyon upang mas lumawak ang kaalaman sa mga paksa at isyung kinakaharap ng isang lipunan.
Pananaliksik
Ang __________ ay nagsasangkot ng pangangalap ng datos/ ideya tungkol sa paksang sinasaliksik mula sa iba’t ibang aspeto ng lipunan.
Primaryang Pananaliksik
Isa sa dapat na maunang bigyang-pansin ng isang mananaliksik bago simulan ang gawain, matapos makapamili ng paksa ay ang _________________ para sa paksang napili ng mga magaaral.
Abeylabiliti ng mga datos
Ang mga pinaghanguan ng datos ay nararapat na maging kumpidensyal lalo na kung di papayag ang naturang pinaghanguan na malantad ang maseselang impormasyon ng kanikanilang wika o kultura.
Ethics para sa hanguang praymarya
Ang sekondaryang datos ay nangangailangan ng isang masusing pag-iingat sa pagtatala ng mga pinaghanguan ng mga naturang ideya sa pamamagitan ng wastong paggamit ng citations at wastong pagtatala ng datos at kumpletong tala ng sanggunian.
Ethics para sa hanguang sekondarya
Nararapat na matiyak ng isang mananaliksik na ang mga personal na biases o pagkiling at ang mga personal na opinyon ukol sa paksang sinasaliksik ay di makaapekto sa kalalabasan ng isinusulat na pananaliksik.
Objectivity vs. Subjectivity
Sa pananaliksik, kailangang matiyak ng mga mananaliksik na mayroon silang sapat na oras na mailalaan para sa pangangalap ng mga datos na kakailanganin. Hindi dapat minamadali ang paglikom ng impormasyon dahil maaaring maisakripisyo ang validity ng mga datos.
Oras at Panahon
Maaari ring mangyari ito sa mismong mananaliksik sa oras na ginamit niya ang ideyang ginamit na niya sa dati niyang isinulat na pananaliksik na hindi niya kinilala na ang ideyang ginamit ay ginamit na sa naunang pananaliksik nito.
Plagyarismo
Ang paggamit ng ideya o salita na hindi nabibigyan ng karampatang pagkilala sa pinaghanguan ng ideya.
Plagyarismo
Ang epektibong _________ ay pagtatala ng pangunahing ideya at mga pansuportang ideya at pagtatanggal ng iba pang detalyeng mula sa teksto basta’t hindi mawawala ang kabuuang nilalaman ng orihinal.
Buod/Pagbubuod