FINALS | KAKAYAHANG PANGWIKA Flashcards
Ang ____________ ay ang maagham na paraan ng pag-aaral ng wika.
linggwistika
Ang isang taong nagsasagawa ng maagham na paraan ng pag-aaral ng wika.
linggwista
Ang ano mang paglalahat, hipotesis, teorya at prinsipyo, mga tuntunin o mga batas na nabuo ng isang linggwista ay kailangang patuloy na maipasailalim sa pagsubok upang mamodipika o kung kailangan.
Ang proseso ng pagberipika at pagrebisa
Laging tinatangka ng isang linggwista na maisaayos ang bunga ng kaniyang pananaliksik o pagsusuri sa isang sistematikong paraan.
Ang proseso ng pagklasipika
Ang pagtitipon o pagkokolekta ng mga datos at ang pagklasipika sa mga ito ay kailangang humantaong sa paglalahat, pagbubuo ng mga hipotesis, ng mga teorya at prinsipyo, ng mga tuntunin o batas.
Ang proseso ng paglalahat
Ito ay tumutukoy sa pagtitipon ng obhetibo at walang kinikilingang mga datos at mga obserbasyong hindi nakukulayan ng emosyon. Ito ang karaniwang pinakaunang hakbang na karaniwang isinasagawang isang linggwista.
Ang proseso ng pagmamasid
Ang paglalahad ng suliranin o ng tanong ay maaaring kasabay, kasunod o una sa proseso ng pagmamasid.
Ang proseso ng pagtatanong
Ito ay tumutukoy sa masteri ng socioculturalcode ng isang wika na tumutukoy naman sa kaalaman ng ispiker sa angkop ng paggamit ng wastong wika para sa iba`t-ibang kahingian ng mga sitwasyon ng komunikasyon.
Kakayahang Sosyolingwistik
Ang ____________ ay kinapapalooban din ng kaalaman sa kulturang kinabibilangan ng kanyang kausap lalo na kung siya ay nabibilang sa ibang pangkat lipunan.
Kakayahang Sosyolinggwistik