TALUMPATI Flashcards
pagpapahayag ng mga kaisipan, pananaw at saloobin ng isang tao sa harap ng madla. Ang layunin nito ay humikayat, magbahagi ng katotohanan, mangatwiran, at magbigay ng kaalaman o impormasyon
talumpati
sino ang nagsabi na ang talumpati ay PAGPAPAHAYAG ng mga kaisipan, pananaw at saloobin ng isang tao sa harap ng madla. Ang layunin nito ay humikayat, magbahagi ng katotohanan, mangatwiran, at magbigay ng kaalaman o impormasyon
Villanueva & Bandril, 2016
sino ang nagsabi na ang talumpati bilang ISANG URI NG SANAYSAY na binibigkas at pinakikinggan. Isa rin itong pakikipagtalastasang pangmada na nagpapaliwanag, naglalahad, nagsasalaysay at nangangatwiran sa paraang pabigkas.
Evasco at Ortiz (2017)
sino ang nagsabi na ang talumpati ang isang PORMAL na nagpapahayag na binibigkas sa harap ng manonood o tagapakinig. Pormal, dahil ito ay pinaghahandaan, gumagamit ng piling wika, at may tiyak na layunin.
Constantino at Zafra (2016)
kaninong aklat nabanggit ang mga uri ng talumpati batay sa layunin na itinala ni Ian McKenzie sa kaniyang Four Basic Types of Speeches
Villanueva at Ortiz (2017)
sino ang nagtala ng Four Basic Types of Speeches
Ian McKenzie
Four Basic Types of Speeches
Talumpating impormatibo (informative)
Talumpating naglalahad (demonstrative)
Talumpating mapanghikayat (persuasive)
Talumpating mapang-aliw (entertaining)
Naglalayon itong magbigay ng IMPORMASYON sa mga tagapakinig. Maaari itong nagtuturo ng isang teorya o impormasyon, maaaring nag-uulat ng resulta ng pananaliksik, o naglalahad ng bagong katangian ng teknolohiya na kadalasang itinatampok sa mga patalastas.
Talumpating impormatibo (informative)
Halos katulad ito ng impormatibong talumpati subalit MAY KASAMA ITONG DEMONSTRASYON. Kabilang dito ang mga isinasagawa sa mga programang pang-edukasyon gaya ng pagtuturo ng pagluluto, pananahi o pagbuo ng mga bagay. Makikita ito sa mga instructional videos sa internet.
Talumpating naglalahad (demonstrative)
Naglalayong MANGHIKAYAT sa mga tagapakinig tungo sa isang pagkilos. Kailangang maging maingat sa paghahanda ng ganitong uri ng talumpati dahil sinisikap nitong baguhin ang mga ideya, paniniwala, pamahiin, kultura at tradisyon ng tagapakainig.
Talumpating mapanghikayat (persuasive)
Naglalayon itong MAGHATID NG ALIW AT KASIYAHAN sa mga tagapakinig. Maaaring marinig ito sa mga personal na salu-salo gaya ng anibersaryo, kasal, kaarawan o victory party. Maririnig din ito sa mga comedy bar kung saan ang host ay nagbabahagi ng katawa-tawang karanasan.
Talumpating mapang-aliw (entertaining)
dalawang elementong taglay ang talumpati
ang teksto at ang pagtatanghal
sino ang nagsabing mayroong dalawang elementong taglay ang talumpati
Evasco at Ortiz (2017)
ang nilalaman ng talumpati
teksto
ang pagbigkas ng talumpati
pagtatanghal