PANUKALANG PROYEKTO Flashcards
isang sulatin na NAGLALAHAD NG PROSESO NG PAGPAPLANO ng pagsasagawa ng isang proyekto o gawain. Maaari itong proyekto sa paaralan, proyektong pangkomunidad o maaaring proyektong pangnegosyo. Maari rin itong isang plano o proyekto para masolusyunan ang isang suliranin o problema.
panukalang proyekto
Saang aklat nabanggit ang ginawang pagpapakahulugan ni Nebiu sa panukalang proyekto.
Bernales, et. al., (2017)
Ayon sa kanya, ang panukalang proyekto ay detalyadong deskripsyon ng isang serye ng mga aktibidad na naglalayong maresolba ang isang tiyak na problema. Binigyang-diin din niya na sa panukalang proyekto ay makikita ang detalyadong pagtalakay sa dahilan at pangangailangan sa proyekto (project justification), panahon sa pagsasagawa ng proyekto ( activities and implementation timeline), at kakailanganing resorses ( human, materials, and financial resources required).
Nebiu
Inihahanda ang ________ upang maging maayos at sistematiko ang pagsisimula at pagsasakatuparan ng proyekto.
panukalang proyekto
Ikinategorya nina _____________ ang panukalang proyekto bilang internal o eksternal, solicited o unsolicited.
Lesiar, Pettit, & Flatley (2000)
ang panukalang proyekto kung ito ay INIHAHAIN SA LOOB ng kinabibilangang organisasyon
Internal
kung ito ay isang panukala para sa organisasyong DI - KINABIBILANGAN ng proponent.
eksternal
ang panukalang proyekto kung ito ay isinagawa dahil MAY PABATID ang isang organisasyon sa kanilang pangangailangan dito
solicited
kung wala namang pabatid at KUSA o nagbaka-sakali lamang ang proponent ay maituturing itong ________
unsolicited
Tinatawag ding ______ ang solicited
invited o imbitado
Tinatawag ding _____ ang unsolicited
prospecting
MGA BAHAGI NG PANUKALANG PROYEKTO
Pamagat ng Proyekto
Proponent ng Proyekto
Kaligiran ng Proyekto
Layunin ng Proyekto
Benepisyaryo ng Proyekto
Implementasyon o Paraan ng Pagsasagawa ng Proyekto
Pagmomonitor at Ebalwasyon ng Panukalang Proyekto
Lakip (Attachments)
Dito simpleng inilalahad ang PAMAGAT ng proyektong isasagawa
Pamagat ng Proyekto
Dito inilalahad ang ORGANISASYON o ANG MGA INDIBIDWAL na magsasagawa ng proyekto.
Proponent ng Proyekto
Dito ilalahad ang PAGLALARAWAN sa proyekto at ang PANGANGAILANGAN na maisagawa nag proyekto. Makabubuting magkaroon din ng pagtalakay sa maikling kaligiran o kasaysayan kung bakit napiling gawin ang proyekto upang maipaliwanag ang pangangailangan ng pagsasagawa nito.
Kaligiran ng Proyekto