ADYENDA AT KATITIKAN NG PULONG Flashcards
sino ang nagsabi na ang adyenda o agenda ay galling sa pandiwang Latin na agere na nangangahulugang gagawin. Sa pananaw na ito, binigyang depinisiyon ang adyenda bilang isang dokumentong naglalaman ng listahan ng mga pag-uusapan at dapat talakayin sa isang pagpupulong.
Bernales, et. al, (2016)
sino ang nagsabi na Ang adyenda ay listahan, plano o balangkas ng mga pag-uusapan ,dedesisyunan, o gagawin sa isang pulong. Nakasulat ito nang kronolohikal o ayon sa pagkakasunod-sunod batay sa halaga nito sa mga indibidwal, organisasyon, o institusyong nagpupulong. Sa negatibong pagpapakahulugan, maari itong mangahulugang lihim na pinaplano ng isang tao para sa sariling kapakinabangan na hindi makatutulong sa pagpapaunlad ng organisasyon o institusyong kinabibilangan. Ginagamit din ang adyenda sa pagtukoy sa mga gawaing dapat aksiyunan o bigyan ng prayoridad tulad ng sosyo-ekonomikong adyenda na ginagawa ng Administrasyong Duterte
Evasco & Ortiz, 2017
Inilarawan nman nina ___________, ang adyenda bilang talaan ng mga paksang tatalakayin sa isang pagpupulong. Ang adyenda ng pagpupulong ay mahalagang bahagi ng pagpaplano at pagpapatakbo ng pulong dahl nililinaw nito ang layunin, detalye ng mga paksang tatalakayin, mga mangunguna sa pagtalakay at ang haba ng bawat isa.
Villanueva at Bandril (2016)
Sa aklat nina Bernales, et. al. (2017), nabanggit ang pag-aaral ng Verizon Business na may pamagat na ____________ noong 2016
The Perfect Meeting Agenda
ang pinakamadalas na pagkasayang ng oras sa mga korporasyon ay nagaganap dahil sa mga ginagawang _________
pagpupulong
isang dokumentong naglalaman ng listahan ng mga pag-uusapan at dapat talakayin sa isang pagpupulong.
adyenda
bakit mahalaga ang adyenda
dahil nabibigyan nito ng katuturan at kaayusan ang daloy ng pulong.
opisyal na tala o rekord ng mahalagang puntong napag-usapan sa pulong ng isang grupo o organisasyon.
katitikan
bakit mahalaga ang katitikan
upang madaling mabalikan anumang oras ang mga napag-usapan o napagkasunduan sa pulong.
Ang katitikan ng pulong ay pwedeng gawin ng _________ sa korte.
kalihim, typist/encoder, o reporter
itinuturing na legal na dokumento kaya kailangang maitago sa talaan.
katitikan ng pulong
Mga kailangang isaalang-alang sa pagsulat ng adyenda
- Saloobin ng mga kasamahan
- Paksang mahalaga sa buong grupo
- Esrtukturang patanong ng mga paksa
- Layunin ng bawat paksa.
- Oras na ilalaan sa bawat paksa.
ayon kina Evasco at Ortiz (2017), ilan ang maaaring magsalita sa bawat aytem ng adyenda
higit sa isa
mga hakbang upang makabuo at maiplano ng maayos ang adyenda
- Sabihan ang mga dapat dumalo.
- Buuin ang adyenda na naglalaman ng mga tatalakaying paksa at ang mga mangunguna rito.
- Ipakita sa mga mangunguna kung sinasang-ayunan nila ang nabuong adyenda.
- Tingnang mabuti kung nangangailangan pa ng pagwawasto ang adyenda
- Ipamigay ang kopya ng adyenda sa mga dadalo.
Iminungkahi rin nina Evasco at Irtiz (2017) na sa pagpupulong, mahalagang isaalang–alang ang ____________________ upang maging produktibo at matugunan ang lahat ng adyendang inilatag sa pulong.
interes ng mga nakikinig