LAKBAY SANAYSAY Flashcards
Ang lakbay-sanaysay ay tinatawag ding ______ o _______ sa Ingles.
travel essay o travelogue
Maraming indibidwal ang nagkakaroon ng interes sa ganitong pagsulat, sapagkat bukod sa ito’y kawili-wiling gawin, ang pagsulat ng ___________ ay nagiging propesyon na o hanapbuhay sa kasalukuyan.
lakbay-sanaysay
mahalaga ang mga anyo ng lakabay-saaysay tulad ng __________ at ____________ upang ipakilala ang isang partikular na lugar o destinasyon.
travel guide at travel article
Ayon kina Bernales, et.al. ( 2017), ang _________ ay isang DOKUMENTARYO, pelikula, palabas sa telebisyon o ano mang bahagi ng panitikan na nagpapakita ng iba’t ibang lugar na binisita at mga karanasan dito ng isang turista at dokumentarista.
travelogue
Ang ______________ naman ay nagbibigay ng ideya sa posibleng INTENERARYO o ISKEDYUL ng pamamasyal sa bawat araw ng byahe at ang posibleng magiging gastos sa bawat aktibidad. Ang layunin ng pagsulat tungkol sa isang paglalakbay ay nakapagbibigay ng malalim na insight at kakaibang anggulo tungkol sa isang destinasyon.
travel blog
Binigyang-kahulugan nina __________ ang lakbay-sanaysay bilang detalyadong pagsasalaysay ng mga karanasan kaugnay sa lugar na pinuntahan.
Villanueva at Bandril
detalyadong pagsasalaysay ng mga karanasan kaugnay sa lugar na pinuntahan.
LAKBAY-SANAYSAY
Inilarawan nman nina __________ ang lakbay-sanaysay na naglalaman at nagtatala ng mga karanasan ng may-akda sa paglalakbay, pagsasaliksik at pagtuklas sa isang lugar. Ang pagtatalang ito ay isang paraan ng manunulat upang obahagi ang lugod sa paglalakbay at pagkakatuklas.
Evasco at Ortiz
Nililikha ang _______ bilang produkto ng malalim na pagkilala sa daigdig at sa mga tao. Pagbabahagi ito ng mga natutuhan at mga karanasan ng isang manunukat.
lakbay-sanaysay
mga dahilan sa pagsusulat ng lakbay-sanaysay.
- Upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat
- Upang makalikha ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay
- Upang itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng pag-unlad ng espiritwalidad, pagpapahilom, o kaya’y pagtuklas sa sarili
- Upang idokumento ang kasaysayan, kultura, at heograpiya ng lugar sa malikhaing pamamaraan.
Susi sa mainam na pagsulat ng lakbay-sanaysay ang _______ o ang pagtataglay ng sapat na kaalaman at pagkatuto sa isang paglalakbay. Tumutukoy ito sa pagkilala sa sarili at sa pagmumuni sa mga naranasan sa proseso ng paglalakbay (Evasco & Ortiz, 2017).
erudisyon
Naisasagawa ang pagkilala sa lugar sa pamamagitan ng ___________________________, particular sa mga local.
interaksyon sa mga tao
sino ang magsisilbing tagapayo sa isasagawang paglalakbay?
ang mga tao, partikular ang mga lokal
Magsagawa ng _________________ sa lugar bago pa man ito puntahan.
pangunang pananaliksik
Dapat ding tandaan ng mananaysay ang _____________ at __________.
halaga ng pagmamasid at ang paggalang sa lugar