Kabanata 1: Pagsulat Flashcards
Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ag kanyang/kanilang kaisipan
(Bernales, et. al., 2017 )
Ayon kina__________, ang pagsulat ay isa sa pangunahing kasanayan na natututuhan at pinauunlad sa loob ng paaralan. Hindi maihihiwalay ang bisa ng pagsulat bilang sandata sa buhay ng isang indibidwal.
Villanueva at Bandril (2016)
Sa aklat nina Bernales, et. al. (2017) ay nabanggit ang paglalarawan nina ________________________ sa pagsulat
Peck at Buckingham, at Keller
Ayon kina _________, ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa.
Peck at Buckingham
inilarawan nman ni ______ ang pagsulat bilang ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng isang ng nagsasagawa nito.
Keller
Sinabi rin ni _______, (sa aklat ni Bernales, 2017) na ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man.
Dayos
Ayon kina ________ (sa Bernales, et al., 2017) ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan,retorika at iba pang elemento.
Xing at Jin
ay kombinasyon ng pisikal na gawain, mental na gawain, personal na gawain at sosyal na gawain.
pagsulat
sa pagsulat ay gumagamit tayo ng lakas ng ating kamay
Pisikal na gawain
gumagana ang ating utak o isipan kapag tayo ay nagsusulat
mental na gawain
sapagkat sa maraming pagkakataon, naibabahagi natin ang ating mga kaisipan, damdamin at karanasan sa ating mga sinusulat
personal na gawain
nagkakaroon tayo ng interaksyon sa atng mga mambabasa na waring nakikipag-usap tayo sa mga ito habang nagsusulat. ang pagsulat bilang ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng isang ng nagsasagawa nito.
sosyal na gawain
mga layunin sa pagsulat
impormatibo, mapanghikayat at malikhain.
Naghahangad na makapagbigay impormasyon at mga paliwanag. Ang mismong pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa teksto.
Impormatibong pagsulat (expository writing)
Naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinion o paniniwala. Ang pangunahing pokus nito ay mambabasa na nais maimpluwensyahan ng isang awtor nito.
Mapanghikayat na pagsulat (persuasive writing)