PICTORIAL ESSAY Flashcards
Ang pictorial essay ay tinatawag din na ______
PHOTO ESSAY
Ito ay isang kamangha- manghang anyo ng sining na nagpapahayag ng kahulugan sa pamamagitan ng paghahanay ng mga larawang sinusundan ng maiikling kapsyon kada larawan (Bernales, et. al., 2017)
PICTORIAL ESSAY
dalawang pangunahing sangkap ng pictorial essay.
LARAWAN AT TEKSTO
TRUE OR FALSE:
Higit na mainam kung ang potograpo mismo ang sumulat ng teksto, o kaya ay ang manunulat mismo ang kumuha ng larawan, dahil nga sa personal na kalikasan nito.
TRUE
TRUE OR FALSE:
Higit na mainam kung ang ibang tao ang sumulat ng teksto, o kaya ay ang ibang tao ang kumuha ng larawan, dahil nga sa personal na kalikasan nito.
FALSE
Tinawag din naman nina __________ (2017) ang pictorial essay bilang photo essay o nakalarawang sanaysay. Ayon sa kanila, ang pictorial essay ay matagal nang anyo ng pamamahayag. Pamilyar ang ganitong sulatin sa mga magasing panturista, magasing siyentipiko at kultural at maging sa mga lifestyle section ng mga pahayagan. Paraan ito upang manghikayat ang sanaysay sa mga mambabasa upang makuha ang kanilang interes para sa isang gawain.
Evasco at Ortiz
Inilarawan nman nina _______________ ang pictorial essay bilang isang sulatin na naglalaman ng larawan ng iba’t ibang pagpapakahulugan kung lalapatan ito ng iba’t ibang lente ng pagdiskurso. Sa hilig nating kumuha ng larawan, mas maraming materyal ang magagamit upang maging lunsaran ng akademikong sulating ito. Nauusong gawain ng kahit sino sa kasalukuyan ang pagkuha ng selfie at groupie na maaaring bigyan ng angkop na sanaysay upang ipabatid ang kwento o salaysay habang, bago, at pagkatapos ng pagkuha ng larawan. Ang mga larawan sa nakalimbag na magasin, poster, pahayagan, brochure, at iba pa ay bukas rin upang bigyan ng angkop na pagpapaliwanag.
Villanueva at Bandril
ang sinomang sumusulat ng pictorial essay ay hindi lamang maituturing na potograpo kundi isang _____________ o _______________.
MANANALAYSAY O STORYTELLER
Ayon kina Villanueva at Bandril (2016), madalas inuumpisahan ang pictorial essay sa ___________ hanggang marating ang malalim na diskurso upang ilahad ang layunin ng larawan, pangatwiranan ang nakikitang argumento o tunggalian, at isasalaysay ang mensahe at iba pang detalye ng larawan.
simpleng paglalarawan
SAAN NAGSISIMULA ANG PAGSULAT NG PICTORIAL ESSAY
SA PAGPILI NG PAKSA
uri ng larawan na magsisilbing gabay sa isang potograpo
- Pangunahing Larawan (lead photo)
- Eksena (scene)
- Larawan ng tao (portrait)
- Detalyeng larawan (detail photo)
- Larawang Close-up
- Signature Photo
- Panghuling Larawan (clincher photo)
Ito ay maihahalintulad sa mga unang pangungusap ng isang balita na tumatalakay sa mahahalagang impormasyon na sino, saan, kailan at bakit. Ito ang larawan na aakit sa mga mambabasa. Dapat piliing mabuti ang larawang kakatawan sa temang napili. Maaari itong emotional portrait o isang action shot.
Pangunahing Larawan (lead photo)
Ito ang pangalawang literatong naglalarawan sa eksena ng isang pictorial essay. Epektibo dito ang paggamit ng wide angle lens na larawan.
Eksena (scene)
ano ang ginagamit sa pagkuha ng Eksena (scene)
wide angle lens
ang Pangunahing Larawan (lead photo) ay maaaring ________________
emotional portrait o isang action shot.