Kabanata II: Ang Akademikong Pagsulat Flashcards
ang mataas na gamit ng isip upang maipahayag ang ideya bilang batayan ng karunungan.
akademikong sulatin
Batay ito sa INTERES ng mga manunulat. Kung ito naman ay itinakdang ipagawa, madalas nakabatay sa sa ISYUNG NAPAPANAHON, na may kaugnayan sa mga usaping panlipunan batay sa aspektong pangkabuhayan, pampolitika, pangkultura at iba pa. Mahalaga ang gampanin ng paksa sa kabuuan ng akademikong sulatin. Sa paksa mag-uumpisa ang pagpaplano upang maisakatuparan ang makabuluhang akademikong sulatin.
Komprehensibong Paksa
Ang layunin ang magtatakda ng dahilan kung bakit nais makabuo ng akademikong sulatin. Nakapaloob sa layunin ang MITHIIN ng manunulat kung nais na magpahayag ng iba’t ibang impormasyon kaugnay ng katotohanan, manghikayat na paniwalaan ang argumentong inilalahad, suportahan o pasubalian ang mga dati nang impormasyon at iba pang layuning nakaugat sa dahilan ng pagbuo ng akademikong sulatin.
Angkop na Layunin
Magsisilbing GABAY ang balangkas sa akademikong sulatin. Gabay ito upang organisahin ang ideya ng sulatin. May tatlong uri ng balangkas: balangkas na paksa, napadadali ng manunulat ang kaniyang pagsulat ng sulatin. Kadalasan ang balangkas din ang nagiging burador ng anumang sulatin. Ang paunang balangkas ang magiging batayan sa pagrerebisa ng pinal na sulatin.
Gabay na Balangkas
Nakasalalay ang tagumpay ng akademikong sulatin sa DATOS. Maituturing na pinakamahalagang yunit ng pananaliksik ang datos ng anumang akda. Kung walang datos, walang isusulat, susuriin o sasaliksikin. Nahahati sa dalawa ang pinagkukunan ng datos: primarya o pangunahing sanggunian at sekondaryang sanggunian. Nakapaloob sa pangunahing sanggunian ang mga orihinal na dokumento na naglalaman ng mahahalagang impormasyon ukol sa paksa. Sa sekondaryang sanggunian , makikita ang sariling interpretasyon batay sa pangunahing impormasyon. Lubhang di matatawaran ang ambag ng datos sa akademikong sulatin. Pinatatatag nito ang paksa, layunin, at kabuuan ng sulatin upang maging katanggap tanggap na kuhanan ng batayang kaalaman. Makatutulong ang datos upang maging sanggunian ng anumang sulatin.
Halaga ng Datos
Bahagi rin ng isang komprehensibong akademikong sulatin ang pagsusuri. Upang maging epektibo, lohikal ang dapat na gawing pagsusuri. Hindi makahihikayat ng mambabasa ang isang akademikong sulatin kung ang nilalaman nito ay nakabatay lamang sa pansariling pananaw ng sumulat. Kailangang lagpasan ang opinion at mapalutang ang katotohanan. Ang pagsusuri ay nakabatay sa ugat o sanhi ng suliranin at nagpapakita ng angkop na bunga kaugnay ng implikasyon nito sa iniikutang paksa. Marapat lagpasan ng epektibong pagsusuri ang mga tsimis o sabi-sabi. Ang paraan ng pagsusuri ng isang manunulat ang sukatan ng lalim ng kanyang obra o akademikong sulatin.
Epektibong Pagsusuri
Taglay ng konklusyon ang pangkalahatang paliwanag sa nais maipahayag ng akademikong sulatin. Makikita sa konklusyon ang mga kasagutan sa mga itinampok na katanungan sa isinulat na pag-aaral. Kadalasang nasa anyong pabuod ang konklusyon na binuo batay sa natuklasang kaalaman. Mula sa konklusyon , huhugot ng payo o rekomendasyon tungo sa bago o pagpapatuloy ng isinagawang pag-aaral o akademikong sulatin.
Tugon ng Konklusyon
ilang paalala sa pagsulat ng konklusyon
Huwag magpasok ng bagong materyal
Huwag pahinain ang iyong paninindigan sa paghingi ng tawad sa isang bagay na pinaliwanag mo na
Huwag magtapos sa “ cliff hanger”, na iniiwang bitin ang mga mambabasa
Bawat na pinagmumulan ng akademikong sulatin ay mayroong tiyak na _______________ ng wika.
terminolohiya o register
madalas ang mga ito ay ipinagagawa sa mga mag-aaral sa iba’t ibang asignatura.
karaniwang anyo
nakatuon ang mga ito sa mga manunulat mismo, sa kaniyang iniisip at nadarama kaugnay ng kanyang paksa,,maging sa kanyang personal na karanasan, maging sa kanyang may pagkiling o subjective na panama.
personal na anyo
ito ang mga akademikong sulatin na di nabibilang sa unang dalawang nabanggit na kategorya.
residual na anyo
anyo:
Bionote
residual
anyo:
Panukalang Proyekto
residual
anyo:
Agenda at Katitikan ng Pulong
residual