Sabayang Pagbigkas | FILI 300 Flashcards
Ayon sa kanya, ang sabayang pagbigkas ay pagsasanib sanib ng mga iba’t ibang uri ng tinig ayon sa wasto kanilang tunog, himig, puwersa at lakas na siyang nagbibigay kagandahan.
ANDRADE (1993)
Ayon sa kanya, ang sabayang pagbigkas ay isang kawili-wiling pamamaraan ng pagpapahalaga sa panitikan sa pamamagitan ng pagsasanib-sanib ng mga tinig ng koro ayon sa wasto nilang tunog, puwersa at lakas.
ABAD (1996)
Ano ang tatlong kahulugan ng sining ng sabayang pagbigkas?
- Matimbang at maindayog na pangkatang tinig na nagpapahayag ng isang uri ng kaisipang masining at madamdamin.
- Pamamaraan ng masining na pagbigkas sa pamamagitan ng sama-sama, magkakatugma, magkakabagay at magkakatugong-tinig at isang tuloy-tuloy na aliw-iw
- Pandulaang pagtatanghal ng isang akdang pampanitikan na ginagamitan ng maramihang tinig na pinag-isa sa pagbigkas kung hindi man ay magkatugma sa masining na paraan.
Ano ang apat na anyo ng Sabayang Pagbigkas?
- Ang pagbabasang may madamdaming pagpapakahulugan.
- Ang Sabayang bigkas na walang kilos.
- Ang sabayang bigkas na may maliit na angkop na kilos.
- Ang madulang Sabayang Pagbigkas o Tula-Dula.
Anyo ng Sabayang Pagbigkas kung saan:
- Nakatayo lamang, may hawak na folder
- Wala masyadong tono
- Ang piyesa ay nakadikit sa folder na matigas at may iisang sukat
Ang pagbabasang may madamdaming pagpapakahulugan.
Anyo ng Sabayang Pagbigkas kung saan:
- Saulado na ang piyesa (memorize)
- Limitado lamang ang kilos ng koro maliban sa pagbibigay-damdamin sa pamamagitan angkop na tinig, ekspresyon ng mukha, mga kibit ng balikat, payak na kumpas ng kamay
Ang Sabayang bigkas na walang kilos.
Anyo ng Sabayang Pagbigkas kung saan:
- Ang koro ay maaring gumawa ng maliliit na kilos sa entablado.
- Kikilos lang sa ilang parte
- Maaring isahan o pangkatan na pag-galaw.
Ang sabayang bigkas na may maliit na angkop na kilos.
Madulang bigkas ang pang koro na gumagamit ng panlahat ang pagtatanghal teatro.
TOTAL THEATER
Anyo ng sabayang pagbigkas kung saan:
- Pinakamataas na uri
- TOTAL THEATER - madulang bigkas ang pang koro na gumagamit ng panlahat ang pagtatanghal teatro.
- Isinasadula, may taong gumaganap, may korong tagapagsalaysay
- Wastong bigkas, blocking, angkop na tunog, angkop na kasuotan, kagamitan o props, pag-iilaw, awitin, sayaw, atbp.
Ang madulang Sabayang Pagbigkas o Tula-Dula.
Mga Uri ng Pagsasaayos Para sa Panabayang Pagbigkas
ARLUPUN
Pangkat sa uring antiponal ay hinahati sa dalawa ayon sa tinig: mataas at mababa o malaki at maliit o lalaki o babae.
ANTIPONAL
Bumigkas nang panabayan, Akda ay pinaghati-hati. May mga taludtod o pahayag para sa isa’t-isa.
REFRAIN
Gumagamit ang uring line-a child ng maraming soloista na ang bawat isa ay may kanya-kanyang bibigkasin
LINE-A-CHILD
Bumigkas nang parang isang tao
Sabayang binibigkas ng buong pangkat ang akda.
UNISON
Bawat tinig ng korista ay nauuri sa taas o baba pitch
PART ARRANGEMENT