Posisyong Papel | FILI 300 Flashcards
Isang sanaysay na naglalahad ng opinyon hinggil sa isang usapin.
Kailangang pumanig sa isang opinyon na naaayon sa isang problema.
POSISYONG PAPEL
“Ang layunin ng posisyong papel ay maglahad ng mga argumentong nakaiimpluwensiya sa pananaw at paniniwala ng mga mambabasa.”
POSISYONG PAPEL
Mga Batayang Katangian ng Posisyong Papel
- Depinadong Isyu
- Klarong Posisyon
- Mapangumbinsing Argumento
- Angkop na Tono
Ang mga posisyong papel ay hinggil sa mga kontrobersyal na isyu o mga bagay na pinagtatalunan ng tao. Siguraduhing sikat na paksa na kayang panindigan.
DEPINADONG ISYU
Liban sa pagbibigay kahulugan sa isyung kailangang mailahad nang malinaw ng awtor ang kaniyang posisyon hinggil doon. Ibibigay ang kahulugan o bakit napagdesisyunan na ipahayag ang opinyon.
KLARONG POSISYON
Kailangang magbigay ang awtor ng matalinong pangangatwrian at solidong ebidensya.
A. Matalinong Katwiran
B. Solidong Ebidensya
C. Kontra-argumento
MAPANGUMBINSING ARGUMENTO
Pagpili ng tono sa pagsulat na nagpapahayag nang sapat ng kanilang mga damdamin at nang hindi nagsasara ng komunikasyon. Impormal, seryoso, matapang, palakaibigan na tono.
ANGKOP NA TONO
Ano ang mga hakbang sa pagbuo ng posisyong papel?
- Pumili ng Paksa - napapanahong isyu
- Magsagawa ng panimulang pananaliksik
- Hamunin ang iyong sariling paksa - kaya mo bang panindigan ang paksang ito
- Ipagpatuloy ang pangongolekta ng mga sumusuportang ebidensya
- Gumawa ng balangkas
- Isulat na ang posisyong papel