Adyenda at Katitikan ng Pulong | FILI 300 Flashcards
Ayon kay SUDAPRASERT (2014), ang [ ] ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin ng pulong.
ADYENDA
Ano ang mga kahalagan ng pagkakaroon ng Adyenda? (4)
- Ito ay nagsasaad ng sumusunod na impormasyon:
- Paksang tatalakayin
- Taong tatalakay
- Oras na itinakda sa bawat paksa - Nagtatakda ng balangkas ng pulong.
- Nagsisilbing talaan o tskelist ng lahat ng paksang tatalakayin.
- Nagbibigay ng pagkakataon sa mga kasapi ng pulong maging handa sa paksang tatalakayin.
- Nakakatulong sa pokus.
Ano ang hakbang sa pagsulat ng Adyenda? (5)
- Magpadala ng memo na maaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang email na nagsasaad ng magkaroon ng pulong.
- Isaad sa memo na kailangan nila itong lagdaan bilang katibayan ng kanilang pagdalo.
- Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin.
- Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo o nagbibigay-tugon.
- Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.
Ano ang mga elemento ng Pulong?
- Pagpaplano
- Paghahanda
- Mga Kasapi sa Pulong
- Pagtatala
Sa [ ], masuring binubuo ang layunin ng pulong.
PAGPAPLANO
Bawat kasapi ng organisasyon ay may kanya-kanyang gampanin sa [ ].
PAGHAHANDA
Kailangang pag-aralan nila ang agenda o mga bagay na pinag-uusapan para aktibo ang kanilang pakikilahok.
MGA KASAPI SA PULONG
Lahat ng kasapi ng pulong ay kinakailangan magtala ng mga impormasyon habang isanasagawa ang pulong.
PAGTATALA
Ano ang mga patakaran sa pormal na Pulong?
Quorum
Consensus
Simpleng Mayorya
Ang bilang ng mga kasapi na kasama sa pulong na dapat dumalo para maging opisyal ang pulong. Madalas ito ay 50% +1 ng bilang ng mga inaasahang dadalo sa pulong.
QUORUM
Isang proseso ng pagdedesisyon kung saan tinitiyak ang nagkakaisa ang lahat ng mga kasapi sa pulong sa anumang paksa.
CONSENSUS
Isang proseso ng pagdedesisyon kung saan kinakailangan ang 50% +1 (simple majority) ng pagsang-ayon o hindi pangsang-ayon ng mga nakadalo sa isang opisyal na pulong.
SIMPLENG MAYORYA
Ano ang mga bahagi ng katitikan ng pulong?
HEADING
KALAHOK O DUMALO
PAGBABASA AT PAGTITIBAY NG NAGDAANG PULONG
AKSYONG ITEMS O USAPING NAPAGKASUNDUAN
AKSYONG ITEMS O USAPING NAPAGKASUNDUAN
PABALITA O PATALASTAS
ISKEDYUL NG SUSUNOD NA PULONG
PAGTATAPOS
LAGDA
Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya. Makikita ang petsa, lokasyon, at oras ng pulong.
HEADING
Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa pulong, pangalan ng lahat ng dumalo at di’ nakadali.
KALAHOK O DUMALO